Tuesday, August 30, 2005 |
ubo, ubo, ubo |
galing ng title ko ah, parang pang-komiks! =) pero sad ako kasi me ubo ang aking baby boy. last week pa sya umuubo, pero feeling ko naman eh nasasamid lang, kasi di naman madalas. tsaka feeling ko eh ginagaya nya lang ang mom ko. me allergy kasi ang mom ko kaya umuubo sya. baka feeling ni baby boy eh isa ito sa mga tinuturo ni lola sa kanya kaya ginagaya nya, hehe. pero last week, mga wednesday yata un, napansin namin na dumadalas na ung ubo nya, at totoong ubo na talaga. =( so ang parents ko naman eh medyo panic na. ako naman, in denial pa kasi feeling ko exclusively breastfeed naman sya eh, so di sya magkakasakit! i just called his pedia and she told me to give drops of cough syrup (parang adik! =) kasi daw uso talaga because of the weather. pero dahil mega panic ang lola, kasi daw parang lumuluha na si baby boy tuwing umuubo eh nag-absent na ako last friday at dinala na namin sya sa pedia. his pedia said he's ok. ubo lang naman, walang sipon at lagnat, thank GOD! at tsaka wala namang nabago sa feeding nya, the usual matakaw pa din sya and hindi naman sya matamlay. so i just have to observe him if magkaka-sipon or tutuloy sa lagnat, then i need to give additional medicines. buti naman hindi. he's still a strong boy! =) akala ko di na kami maka-attend ng kiddie party nung saturday dahil sick sya, sayang ang lootbag, hehe. pero um-attend pa din kami, kaya lang natulog lang si baby boy kaya di din sya nag-enjoy. atleast nakita na sya ng ibang barkada ni hubby. by this time, medyo ok na sya. di na masyadong inuubo. sana nga tuluyan nang gumaling. pati na din ung mga babies ng mga friends ko na tuluyan nang sinipon at nilagnat, sana gumaling na din agad. ang hirap pala talaga ng feeling kapag may sakit ang baby, parang gusto ko na ako na lang ang may sakit! bawat ubo nya, parang gusto kong iubo para di sya mahirapan. that's why, kahit mahirap, i'll try my best to give him pure breastmilk hanggat makakaya ko. lalo na ngayong uso ang mga sakit, it still pays off to give him the best milk! |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
|
Thursday, August 25, 2005 |
my birthing story |
finally, i've uploaded and refreshed my memory (hehe) and remembered everything that happened in that moment which changed our lives forever! =)
April 05 – estimated date of delivery (EDD) April 07 – check-up… cervix is still closed! had an ultrasound - amniotic fluid is only 8.7 (minimum should be 5!) had a Non-Stress Test (NST) – baby is still ok
· i still had my haircut, manicure, pedicure and foot spa. i should be ready before baby comes…=) · my OB called me at home and advised to drink plenty of water to replace my amniotic fluid. and to be ready on saturday for a possible CS!!! oh my! =(
***side kwento: when i’ve learned of my edd, i’ve always prayed and wished that i’ll give birth on the 9th of April coz’ it’s a holiday (Araw ng Kagitingan). you know how much i love holidays! =) so I always talked to my baby and told him: “baby, today is _____. mama wants you to come out on april 9, that’s ____ days more. but if you can’t hold on any longer, you can come out anytime. but please baby, don’t make it too hard for mommy! iloveyou =)
April 08 – spent almost the entire day walking, walking and walking!
April 09 – THE DAY! =) i first had a check-up and ultrasound (oh my, my amniotic fluid is down to 5.6!!!) i was immediately scheduled for a Cesarean Operation by 1pm… i was only with my hubby then, so i called my parents and informed them. honestly, i was nervous because i haven’t had any operation all my life. and i never expected a CS delivery. the reason why i didn’t eat much sweets because i don’t want baby to grow too big inside, and honestly, i’ve done my part of walking! but my baby didn’t wanna go out just yet. =) 1:00 pm – went to the delivery room and was given an enema while answering tons of questions. after awhile, as a result of the enema, i was doing my thing…while texting all my family & friends. =) received a lot of comforting words and prayers so i was a little relieved. after that, i was wheeled to the operating room. given my dextrose, shaved and the anesthesia thru my oxygen mask (take note, it wasn’t administered thru my spinal cord, oooh it was such a breeze!). some gadgets were attached to my body, don’t know what they were cause i was a little groggy that time. i think i’ve fallen asleep because i didn’t see my OB came in. i just realized that she was there and operating on me already. 1:29 pm – my baby was out! Thank GOD! =) he was cleaned beside me and i was able to kiss him…i was just so happy that he’s alive and healthy!
*** a funny thing happened when they were cleaning me: nakahiga ako sa operating bed and may takip sa harap ko. parang curtain sya para di ko makita ung ginagawa nila from my waist down. biglang may nakita akong dalawang hita na nakataas sa harap ko, sabi ko parang familiar tong legs na to ha. saka ko lang na-realize na akin pala un, haha. tinaas kasi nila dahil nililinis siguro nila ung ilalim ng legs ko. as in di ko naramdaman talaga. feeling ko tuloy ung mga pelikula ni Dolphy na minamasahe tas biglang itataas ung paa na parang nabalian na, haha. sobrang tindi ng anesthesia, feeling ko eh wala akong paa! =)
2:45 pm – end of the operation. i was wheeled to the Recovery Room; waited, waited and waited for the anesthesia to worn out and my legs to “come back!” =) 5:00 pm – finally, brought to my room. my hubby, my parents and MIL were there. my mom was crying, tears of joy perhaps. unang apo kasi sa bunsong unica hija nila. they saw my baby already. timing kasi ung viewing period sa nursery while they were weighing my baby, so kita na nila agad.
i never realized CS would be that easy!!! no pain at all, even after. sabi ko nga sa mga friends ko na parang di ko alam ang feling ng nanganak kasi i never felt any contractions, though meron naman daw based sa NST ko but i didn’t feel anything (baka mataas lang talaga threshold ko for pain – sanay na kasi ako sa monthly dysmenorrhea eh)
on the other hand, i wasn’t allowed to eat and TALK! yeah right, it was such a pain for me not to talk! =) un lang ang ayoko sa CS, hehe. isa pa pala, kapag bayaran na, parang ayoko na din ang CS.
i was allowed to talk the following day, HEAVEN! and eat 2 days after. the dextrose was removed also 2 days after, so i was able to go to the Breastfeeding Room and start bonding with my baby.
April 11 - it was such a nice feeling and an unforgettable moment when my baby first rooted for my breast to feed. i kept on taking photos and videos while breastfeeding him. that’s when i finally realized that life is totally different now, because this baby will truly be dependent on me, at least for the 1st phase of his life!
the following days were spent with visitors. it was actually a vacation for hubby and i, a much needed rest before the BIGGEST task came in. =) it was fun in the hospital because friends kept on coming, it was like party everyday. and at nighttime, when only the two of us are left, we would eat, talk and watch tv till midnight. our room was huge and complete and beautiful. if not for the nurses who checked me every time and if i hadn’t gone to the Breastfeeding Room to feed my baby, i would have mistaken that we are having the time of our life in a hotel, mwehehe!
April 13 – went home!
***side kwento again… upon hearing other birthing stories from mothers while we were breastfeeding, i learned (again!) how hard it is to give birth via normal delivery. so for me and my 2nd baby, it would be CS or nothing! =)
one last, i just realized how good and obedient my baby was. hindi talaga sya bumaba kasi ayaw nyang masaktan ako sa contractions. and he wanted me not to have a normal delivery so it won’t be hard for me. and tinayming nyang ubusin ang fluid inside on the date na hiniling ko sa kanya! galing! =) oh well, that’s how i look at it, hehe. pero hindi ko naman kasi sinabi sa kanya na wag ung magastos eh, kaya ayun, CS ako, haha!
un lang po, ang daling manganak, grabe! isa pa... |
posted by apple @ 9:30 AM |
|
|
Wednesday, August 24, 2005 |
PINOY Big Brother |
we're watching this kagabi,,, after nung activity nila, sabi ni big bro (hala, feeling close!) na may reward daw silang 2 litson! at totoo nga, biglang may ping-ping litson sa loob ng big brother house! at ang aking magaling na ina, natakam sa litson! biglang hirit "wow, sarap naman ng litson...bili tayo sa bday ni baby boy!" aba! at una pa talagang naisip ang monthly bday ng apo nya kesa sa "yearly" bday ng anak nya! biglang pinaalala ko na mag-bday din ako sa sept noh, at isang araw lang ang pagitan sa 5th month bday ni baby boy. kaya sagot daw ng mama ko ang litson! haha, buti na lang mana sa akin ang mama ko, inborn ang katakawan! de leche lang naman ang bibilhin daw, kasi kami lang naman pamilya eh. bale double celebration ng bday namin ni baby boy, gaganapin sa date in between! nyahaha, tatanda na naman ako ng isang taon! pero excited ako kasi 1st bertdey ko na kasama ko na si baby boy, at kasabay ko pa sya sa celebration. sabi ng mama ko, sya daw sagot sa litson at ako na bahala sa ibang handa! so nakikini-kinita ko na ang nakahapag sa lamesa namin. isang lechon de leche at.....kanin! un lang, haha! |
posted by apple @ 8:00 AM |
|
|
Tuesday, August 23, 2005 |
educational plan |
yippee! finally, we were able to get an educational plan for baby boy! it was a long process, but eventually, hubby & i settled in getting 1. with all the problems happening now with educ plans of cap, pacific and the like, not only have we thought once, twice but a lot of times. we’ve considered other options, time deposit for example. but then, when explained to us the pros & cons, we’ve realized that EP is still better for us. first, it’s harder to withdraw! sa aming pagka-gastador, baka imbes na i-renew namin ang money sa TD eh bigla naming magastos ung kalahati…patay ang edukasyon ni baby boy! second, if anything bad happens to me, my baby is assured of a certain amount from his pre-school to high school. third, we are both insured! =) we went to the no.1 insurance company in our country, atleast kahit papaano, trusted na ito. we were supposed to get the 1st plan offered to us. pero nung nakita ko, nyahaha, parang ung amount na ibibigay nila sa akin after 17 years eh pambayad na lang ng “miscellaneous” ng anak ko sa school. pinakita kasi nila sa akin ung projected tuition fees after 17 years, though medyo exag, aabot daw ng .5M per sem! haller, totoo ba ito?! sabagay, after 17 years eh nag-devaluate na din naman ang pera ng pilipinas by then, so posible! o well, after that, pinakita sa amin ang isa pang plan, which is the dollar scholar. ok sya kasi dollar ang makukuha mo. eh malamang sa mataas na ang dollar equivalent sa peso after 17 years. ang problema lang, dollar rate din ibayad ko, hehe. after thorough thinking and computing, and with the BIG discount and flexible terms given to us (kaibigan kasi ng father ko ung may-ari ng agency), we decided to get it. panalangin ko na lang na huwag munang gumuho ang ekonomiya at tuluyang bumagsak ang piso sa susunod na limang taon dahil baka bumagsak din ang pambayad ko, hehe. after 5 years, sige, pwede na. ang sama ko! =) ngayon ang problema ko eh ung initial payment! ganun ka-flexible ung plan namin, inabonohan pa nya ung unang bayad ko, hehe. gusto ko ngang sabihin na pwedeng paki-abonohan na po lahat ung limang taon, wish! pag uwi ko ng bahay, tsaka ko na-realize na malaking halaga pala un (lagi naming ganun eh! gastador kasi talaga ako eh! =) at di ko na alam kung saan kukunin ang pambayad! malamang sa di na kami kakain ng asawa ko para lang mapag-aral ang anak ko. sabi ko nga kay baby boy, mag-breastmilk na lang sya til 5yo, para walang gastos sa food nya, haha.
after this, i realized the sacrifices parents can do for their children! i just wish that baby boy will appreciate it and makes good in his studies! oh, how i love my parents more! =) |
posted by apple @ 9:15 AM |
|
|
Thursday, August 18, 2005 |
tag...i'm it! |
it's my turn this time...
WHAT ARE THE THINGS YOU ENJOY DOING EVEN WHEN THERE'S NO ONE AROUND YOU? -> daydreaming - mas ok pag walang istorbo. kasi baka pag nasa peak na ako ng aking pagde-daydream eh bigla akong kausapin at mabitin ang aking mga pangarap. =) -> shopping - ito talaga ang ok kahit mag-isa lang ako. kasi walang kokontra anuman ang aking bilhin. -> mag-surf - para walang kaagaw sa pc. -> mag-scrapbook - di lumalabas ang mga artsy-craftsy juices ko kapag me kausap ako eh. -> maglinis ng bahay - kapag sinisipag ako, mas ok maglinis kapag wala ang aking makulit na baby boy at mas makulit na big boy (aka hubby =).
WHAT LOWERS YOUR STRESS/BLOOD PRESSURE/ANXIETY LEVEL? -> talking - kasi nailalabas ko lahat ang aking nararamdaman sa kausap ko. di ko lang alam if ung kausap ko ang nai-stress sa akin. -> shopping pa din - medyo babalik lang ung stress ko pag uwi ko ng bahay at nag-compute na ako, hehe. atleast nawala sandali. -> my baby boy - kahit anong stress ko sa work ko or sa outside world ko, pag-uwe ko ng house at nag-smile ang aking baby, ok na ako! -> higit sa lahat, ang aking butihing asawa - kahit sya minsan ang dahilan ng ultimate stress ko sa buhay, hehe, sya din ang pinaka-susi sa pagkawala nito. =)
TAG 5 FRIENDS AND ASK THEM TO POST IT IN THEIRS. parang one of the few na lang ako eh, la na ko ma-tag. =( |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
|
Wednesday, August 17, 2005 |
yellow taxi cab...with signboard?! |
eto ang continuation ng aking adventure kahapon... i've never been lucky enough to find (and ride) a taxi at first instance! well, not unless i'm hitching from the NAIA arrival. last night, ganyan pa din ang nangyari. i was at the back of our office waiting for a cab. dumating ang unang taxi, sakay ako agad. nung nalaman ni mamang driver kung saan ako patungo...di daw pwede kasi may susunduin daw sya ng 9pm at mabibitin sa oras. so baba ang beauty ko! dating ang pangalawang taxi, tanong nya kung saan ako. di daw pwede, alis na ulit sya. dating ang pangatlo, pang-apat until i lost count. naisip ko, di ba bawal sa taxi ang mamili ng pasahero, pwede silang i-report sa lto. oh well, pagka-report, wala din namang mangyayari eh, kaya namimihasa ang ilang drivers. dapat pala pag sasakay ka ng taxi, imbes na ikaw ang magsabi sa driver kung saan ka pupunta, ikaw na lang ang magtanong sa kanila kung saan ang ruta nila. para alam mo kung pwede kang sumakay o hindi! tipong "mamang taxi driver, san ang punta mo?" pag sinabi nilang sa manila at sa manila din ang punta mo, jackpot! sakay ka na! pero teka, taxi nga sila di ba. sana nag-jeepney driver na lang sila at maglagay ng signboard sa harap para walang problema. tipong "a-cubao, cubao, cubao"! |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
|
|
something stupid! |
yup, i did something stupid last night (oh well, as always! =) we were supposed to dine out and buy some groceries last night with my hubby. these days, it's not that often that we go out on dates...i mean just the 2 of us, cause we always tag along our baby boy, of course! so it was supposed to be a special night, to add to that, it was my "bonus" (wink*wink) day, kaya happy! =) early on, during lunchtime, i already went to sm makati to buy some diapers and things for my baby. so that was 1 full shopping bag. pagdating ng uwian, on-the-dot ang time-out ko. i was in a hurry coz' we were supposed to meet at 8pm sa may Robinsons. so the usual way going to the shuttle with my bag and the shopping bag in my hands. pagdating ko sa sakayan, aba, ang haba ng pila. so no choice, pila ako. after 30 mins of waiting, it was finally my turn to ride. nasa unahan na ako ng pila kasi di na ako umabot sa huling shuttle na umalis. so sabi ko sa sarili ko, ok lang, atleast sa harap ako makaka-upo, favorite ko kasi sa harapan eh, tipong konduktor ang dating, haha. nung dumating ung shuttle, sakay na ako sa harapan at nilagay ko ang shopping bag sa may paanan ko at ang bag ko sa lap ko. natuwa pa ako dahil finally ay nakaupo na ako at nadampian na ng hangin galing aircon ang aking init na init na mukha (parang malaswa ang dating nito, haha!) anyway, patay! bigla kong naalala na isang bag lang ung nasa lap ko, dapat dalawa ung kandong ko eh!!! naku, nalimutan ko ung avent bag na expressed milk ko. walang gatas ang baby ko for tuesday! huhuhu. buti na lang, di pa umaandar ang shuttle at nakababa pa ako. hay naku, ang shungak ko talaga! nasanay kasi akong 2 ang bitbit ko every uwian eh. dalawa naman ang dala ko eh, shopping bag nga lang ung isa, hehe. so balik akong office! imagine this, ang bigat na nga ng dala ko, tapos i had to walk pa a few blocks with matching akyat-baba sa underpass ha. di na kasi gumagana ang escalators dahil past 7pm na, haaay! pagdating sa office, kinuha ko lang sa pantry ang aking milk, then uwe na ulit. nag-taxi na ako dahil sobrang pagod na, sobrang gutom na at sobrang inis na ako. a different saga naman sa taxi hunting (i-blog ko din later!) at long last, ako ay nakauwe na around 9pm. ang aming "date" ni hubby ay naging take-out dinner sa house na lang, habang kinukwento ko sa kanya ang aking ka-shungakan! o well, sabi ko, blame it sa anesthesia, haha! looking at the positive side...nakatipid ako sa "dinner date" namin! =) |
posted by apple @ 3:00 AM |
|
|
Tuesday, August 16, 2005 |
please stand up, please stand up |
me bagong gimik ang aking baby boy. from my previous post na strong boy, he can sit 90 degrees from a 45 degrees position with no support. aba, kagabi, nagpasikat sa kanyang ama. while they were playing, he was pulling his body again on his own, so ang ginawa ng asawa ko, pinahawak nya ung 2 index fingers nya para lang me makapitan si baby boy. alam mo ang ginawa? umupo at dire-diretsong tumayo. gulat pa nga si hubby kasi baka mapilayan or something. but no, he was able to stand up while holding on to my hubby's fingers lang. nayakap na lang ni hubby sa tuwa, hehe. at di lang sa ama nya nagpasikat. kinuha sya ng lola nya at nakipag-laro din. same scenario (pero di pa alam ng mama ko ang bagong gimik nya), kaya hinawakan din ng mama ko at tumayo pa din sya. haha, sobrang tuwa ng mama ko sa apo nya! i just love seeing my parents extremely happy with their 1st apo, afterall, that's what they've asked from me. mukha kasing wala ng pag-asa sa dalawang kuya ko kaya ako na lang ang hiningan ng apo, hehe. ano kaya ang susunod na gimik ng anak ko? sana lahat ng mga gimik nya eh katuwaan ko, kasi pag lumaki na sya, for sure eh di na ako matutuwa sa mga "gimik" nya! un lang po, napa-kwento lang sa sobrang katuwaan. =) |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
|
Monday, August 15, 2005 |
my 1st carousel ride |
nung sabado, nagpunta kami sa ust para sa nth vaccine ng baby ko. sa sobrang dami eh di ko na alam kung pang-ilan! at naaliw kaming lahat kasi di umiyak si baby boy. medyo nagulat lang sya, then ok na. pero di ito ang kwento ko, hehe. after that, it's family day once again! we went to shangrila plaza at nakita namin si alice dixon, berna at gary estrada, at sina juday at ryan (hhww). confirmed lang na "sila" na talaga! =) pero di pa rin yan ang kwento ko, medyo showbiz lang para sa mga interesado! =) as you can see sa picture, 1st time sumakay ng horsey ang aking baby. 1st time lang talaga kasi po eh 4 mos pa lang sya noh. wala lang, naaliw lang ako. before pa kasi, everytime punta ako ng hairbytes, i was already eyeing that carousel sa shang, isip ko kung kailan kaya ako may maisasakay dyan? para kasing ang saya ng bata pag nasa carousel. so finally, kahit di pa alam ng anak ko kung ano ang carousel eh sinakay ko na din. kaya lang, sa sobrang excitement at kashungakan ko na din, naisakay ko sya sa horsey na di gumagalaw! at di na kami makalipat kasi occupied na lahat. so ang ginawa ko, inangat-angat ko na lang sya ng konti para kunyari eh up & down din ung horsey nya, gaya nung nasa harap nya. haha, mukhang tanga! kala mo naman alam na ng baby ko un. actually, pictures lang naman habol ko dun eh... picture ko na nasa carousel, dinahilan ko lang ang baby ko, hehe! finally, dream come true...ang babaw! =) |
posted by apple @ 1:30 AM |
|
|
Thursday, August 11, 2005 |
the no u hav dialed has bin changed! |
can't help but blog this. naiyak kasi kami sa kakatawa kanina ng friend kong itago na lang natin sa pangalang "nape" para sosyal. pero pwede na din "batok", hahaha! =) may pinapatawagan syang friend nya sa cellphone, so tawag naman ako. kaya lang, naka-off yata ung fon. so binalikan ko si "nape" at sinabing di ko makontak dahil ang response was "the number you have dialed has been changed". aba! naniwala ang shungak!!! =) haller, ano un, landline?! hahaha! it made me remember of another ka-shungakan nya before...sa fon din, this time, landline naman! pinatawagan ko before sa kanya ung ex ko (na-ex ko pa din hangang ngayon, hehe). you know how we, women, ask our friends to call our bfs to check if they're home (lalo na pag LQ!). so, ganun ung scenario. kaya lang, ang nakasagot sa kanya ay ang ingleserang pamangkin ng ex ko, so nabigla yata sya. at eto ang sumunod na pangyayari: pamangkin: hello? nape: uh, can i please speak with "ex"... p: sorry, he's not around. who's on the line, please? n: uh, nape. can you just tell him to "callwait" me! nyahaha! what he actually meant was to call back! =) pero hindi shungak tong friend kong to, IT to eh (aha, me clue na! =) medyo tarantacious lang sya pag inglesan na, haha. pero kahit ano pa sya, love na love ko yan! =) |
posted by apple @ 5:30 AM |
|
|
Wednesday, August 10, 2005 |
Happy 4th month Birthday! =) |
4 months na ang aking baby boy today! =) hay, katuwa!!! sabi nila, 3-6 mos daw ang pinaka-masarap na stage sa baby. and yes, indeed! smile na sya ng smile, tawa ng tawa. minsan while breastfeeding, nakatitig pa yan sa akin, biglang titigil at mag-smile,,,aaaw, how sweet! ang bilis talaga ng panahon, apat na buwan na agad ang nakalipas...8 mos na lang, me binata na ako! nyahaha, sobrang adbans! =) excited na ako umuwi, nagpa-deliver kasi ako ng pancit malabon, at naamoy ko na dito sa tabi ko ang bbq at pitsi-pitsi ng amber. yummy! at syempre, ang keyk ng aking angel, di pwedeng malimutan. umorder na ako ng choco mousse sa Red Ribbon kagabi, pick-up na lang ng asawa ko tonight. speaking of cakes, naalala ko tuloy ang kwento ng 3 previous cakes ng anak ko.. nung 1st month nya, punta kami sa Goldilocks para umorder ng cake. namili ako sa catalogue nila ng Pooh syempre. me napili na akong cake na maganda, nung isusulat ko na ung message para sa cake, nag-isip ako. Happy 1st Monthsary??? ay, parang mag-syota! =) ask ko pa ung cashier if ano ang message kapag 1 month old. di daw nya alam kasi pang-1yo daw ung cake na un, nye! kaya ang pinasulat ko na lang ay "Happy 1st Month Birthday "baby boy"", ang haba. buti na lang medyo malaki ung cake kaya kumasya! nung 2nd month naman, order naman ako sa Red Ribbon ng sansrival at pinalagay ulit ang message. binalikan ko na lang kasi dami pa akong bilhin. pagbalik ko, ay sus! ang message..."Happy 2nd month Birthday AGUSTIN!" nyahaha, ang alam ko foreign-sounding name ng anak ko, biglang naging Pinoy! ayun, pinalitan nila ung cake. nung 3rd month naman at ang pinaka-masakit ay nung nanakaw ung bag ko sa SM Makati. tangay lahat-lahat ng pera ko at pera ng asawa ko. patay ang birthday ni baby boy! umuwi kaming walang kadala-dalang pagkain. lonely birthday, ika nga. pero syempre, di pwedeng lonely, birthday un eh. buti na lang me natira pang pera si hubby at nakabili pa kami ng Rocky Road cake sa Red Ribbon, super yummy! kaya happy birthday pa din! =) ngayong 4th month, ano naman kaya ang kwento? kahit ano, basta wag lang katulad nung pangatlo! |
posted by apple @ 9:15 AM |
|
|
Tuesday, August 09, 2005 |
merit |
during my lunchbreak, i went to merit store here in makati. (an e-group friend told me of their Pooh party supplies). naaliw ako kasi ang daming school supplies, coloring books, stickers at kung anik-anik pa na mga pooh items. actually, familiar na ako sa lahat ng items nila. sa dinalas-dalas ko ba naman sa landmark, glorietta, kidz station, national, sm makati at toy kingdom kahahanap ng pooh eh nakabisado ko na pati presyo ng iba. kainis lang kasi nakabili na ako ng ibang items na nandun (not that excited huh =). pero ok lang un, atleast now, i know where to order at discounted prices. un naman kasing mga nabili ko, pang-prizes ko un. while ung orderin ko sa merit is for the lootbags kaya maramihan talaga. saka pa ako order kasi di ko pa naayos lahat ng kid guests ko. tsaka pag-ipunan ko muna kasi baka masermunan na ako ng asawa ko sa dami na ng mga pinagbibili ko. ewan ko ba naman but i really can't resist temptation, hehe. everytime me makita akong pooh items na pwedeng pang-party, di pwedeng di ako bumili. ung ibang items nga na nabili ko eh nandito pa sa stockroom sa office, kasi wala na akong mapaglagyan sa kwarto namin eh. gusto ko na ngang tumigil, kasi pagbilang ko, nasa 60 na ung prizes ko at pag-kwenta ko, aba! naka-5k na pala ko dun pa lang!!! buti di pa alam ng asawa ko! hehe. pero sadyang ako po'y marupok sa temtasyon! =) tulad kahapon, nasa toy section kami ng sta.lucia, nakita ko ung Pooh organ na out-of-stock na sa Kidz Station, syempre binili ko na kasi baka maubusan pa ako. tanong ng asawa ko: A: para san yan, di pa malalaro ni baby boy yan? ako: pang-prize po. A: P300 pang-prize?! ako: major prize! =) ewan ko ba, basta nasasayahan ako kapag nakakabili ako ng items for my baby's party. un ang kaligayahan ko sa ngayon, kaya sinasakyan na lang ng asawa kong mabait. buti nga yan na lang eh, pano kung ang kaligayahan ko eh bumalik sa mga bags at shoes, baka sabihin nya...Pooh na lang ulit, hehe. |
posted by apple @ 8:30 AM |
|
|
Monday, August 08, 2005 |
bad dream! |
last night, around 12mn, bigla ba naman umiyak ang aking baby boy while sleeping. eh ako pa naman, panic attack agad pag umiyak sya ng natutulog. kasi atleast pag gising at umiyak, 2 reasons lang un most of the time, either gutom or antok. eh pag tulog, clueless ako! he was beside me on our bed and sound asleep na, while ako naman eh nagpapa-antok pa lang. biglang umiyak ng malakas. tinapik ko lang naman at hinalikan, whispered and assured him na mama is just here (kahit tulog). maya-maya, tumahan na at tulog pa rin. i wonder why that happens, is it a bad dream? if yes, ano naman kaya ang napapanaginipan nila at this early age? when they don't have any idea yet of monsters, bad things and the like... hmm, di kaya tatay nya lang ung napanaginipan nya, hehe! =) pero ang cute nya kapag bigay-todo ung cry nya, as in mukha syang nakakaawa talaga...super cute. hay, it's really nice to have my lil angel beside me. sana nga lang ako na lang lagi nasa dream nya para good dream lagi. hahaha! =) |
posted by apple @ 5:00 AM |
|
|
Wednesday, August 03, 2005 |
strong boy! |
last night, when i was giving vitamins to my baby boy, nagulat ako sa ginawa nya. he was seated at 45 degrees position, me big pillow na sandalan nya. bigla ba naman umuupo upright to 90 degrees, medyo gumegewang-gewang nga lang sya, but then, he was able to pull himself. ang kulit nga, kasi when i was about to give him his drops, biglang uupo na naman, tamang kuleeet! he was already lifting his body before but with our help pa, tipong nakahawak pa sya sa fingers namin for support, pero kagabi, as in no support, aliw talaga ko. =) he is indeed a strong boy coz as early as 2 months, he can already hold his head up. and by 3 months, he can stand supported and bears weight on his legs. haaay, it's so fulfilling to witness these milestones. but then, on the otherhand, he'll soon crawl, stand, walk and run...di na sya beybi!!! waaah, how time flies! but for now, thank god he's strong and healthy and happy! =) |
posted by apple @ 4:00 AM |
|
|
Monday, August 01, 2005 |
pers taym! |
hi! it's my first time here. been wanting to create my own blog since i got back from my ML but workload won't allow me to. what do i need to brag...este, blog pala?=) nothin' much, just about my baby boy who is turning 4 mos this august 9. how time flies..=( enough for now...till next blog! |
posted by apple @ 1:56 PM |
|
|
|
|