Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Tuesday, August 09, 2005
merit
during my lunchbreak, i went to merit store here in makati. (an e-group friend told me of their Pooh party supplies).
naaliw ako kasi ang daming school supplies, coloring books, stickers at kung anik-anik pa na mga pooh items. actually, familiar na ako sa lahat ng items nila. sa dinalas-dalas ko ba naman sa landmark, glorietta, kidz station, national, sm makati at toy kingdom kahahanap ng pooh eh nakabisado ko na pati presyo ng iba. kainis lang kasi nakabili na ako ng ibang items na nandun (not that excited huh =). pero ok lang un, atleast now, i know where to order at discounted prices. un naman kasing mga nabili ko, pang-prizes ko un. while ung orderin ko sa merit is for the lootbags kaya maramihan talaga. saka pa ako order kasi di ko pa naayos lahat ng kid guests ko. tsaka pag-ipunan ko muna kasi baka masermunan na ako ng asawa ko sa dami na ng mga pinagbibili ko.
ewan ko ba naman but i really can't resist temptation, hehe. everytime me makita akong pooh items na pwedeng pang-party, di pwedeng di ako bumili. ung ibang items nga na nabili ko eh nandito pa sa stockroom sa office, kasi wala na akong mapaglagyan sa kwarto namin eh. gusto ko na ngang tumigil, kasi pagbilang ko, nasa 60 na ung prizes ko at pag-kwenta ko, aba! naka-5k na pala ko dun pa lang!!! buti di pa alam ng asawa ko! hehe. pero sadyang ako po'y marupok sa temtasyon! =)
tulad kahapon, nasa toy section kami ng sta.lucia, nakita ko ung Pooh organ na out-of-stock na sa Kidz Station, syempre binili ko na kasi baka maubusan pa ako. tanong ng asawa ko:
A: para san yan, di pa malalaro ni baby boy yan?
ako: pang-prize po.
A: P300 pang-prize?!
ako: major prize! =)
ewan ko ba, basta nasasayahan ako kapag nakakabili ako ng items for my baby's party. un ang kaligayahan ko sa ngayon, kaya sinasakyan na lang ng asawa kong mabait. buti nga yan na lang eh, pano kung ang kaligayahan ko eh bumalik sa mga bags at shoes, baka sabihin nya...Pooh na lang ulit, hehe.
posted by apple @ 8:30 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER