Wednesday, August 10, 2005 |
Happy 4th month Birthday! =) |
4 months na ang aking baby boy today! =) hay, katuwa!!! sabi nila, 3-6 mos daw ang pinaka-masarap na stage sa baby. and yes, indeed! smile na sya ng smile, tawa ng tawa. minsan while breastfeeding, nakatitig pa yan sa akin, biglang titigil at mag-smile,,,aaaw, how sweet! ang bilis talaga ng panahon, apat na buwan na agad ang nakalipas...8 mos na lang, me binata na ako! nyahaha, sobrang adbans! =) excited na ako umuwi, nagpa-deliver kasi ako ng pancit malabon, at naamoy ko na dito sa tabi ko ang bbq at pitsi-pitsi ng amber. yummy! at syempre, ang keyk ng aking angel, di pwedeng malimutan. umorder na ako ng choco mousse sa Red Ribbon kagabi, pick-up na lang ng asawa ko tonight. speaking of cakes, naalala ko tuloy ang kwento ng 3 previous cakes ng anak ko.. nung 1st month nya, punta kami sa Goldilocks para umorder ng cake. namili ako sa catalogue nila ng Pooh syempre. me napili na akong cake na maganda, nung isusulat ko na ung message para sa cake, nag-isip ako. Happy 1st Monthsary??? ay, parang mag-syota! =) ask ko pa ung cashier if ano ang message kapag 1 month old. di daw nya alam kasi pang-1yo daw ung cake na un, nye! kaya ang pinasulat ko na lang ay "Happy 1st Month Birthday "baby boy"", ang haba. buti na lang medyo malaki ung cake kaya kumasya! nung 2nd month naman, order naman ako sa Red Ribbon ng sansrival at pinalagay ulit ang message. binalikan ko na lang kasi dami pa akong bilhin. pagbalik ko, ay sus! ang message..."Happy 2nd month Birthday AGUSTIN!" nyahaha, ang alam ko foreign-sounding name ng anak ko, biglang naging Pinoy! ayun, pinalitan nila ung cake. nung 3rd month naman at ang pinaka-masakit ay nung nanakaw ung bag ko sa SM Makati. tangay lahat-lahat ng pera ko at pera ng asawa ko. patay ang birthday ni baby boy! umuwi kaming walang kadala-dalang pagkain. lonely birthday, ika nga. pero syempre, di pwedeng lonely, birthday un eh. buti na lang me natira pang pera si hubby at nakabili pa kami ng Rocky Road cake sa Red Ribbon, super yummy! kaya happy birthday pa din! =) ngayong 4th month, ano naman kaya ang kwento? kahit ano, basta wag lang katulad nung pangatlo! |
posted by apple @ 9:15 AM |
|
|