Tuesday, August 30, 2005 |
ubo, ubo, ubo |
galing ng title ko ah, parang pang-komiks! =) pero sad ako kasi me ubo ang aking baby boy. last week pa sya umuubo, pero feeling ko naman eh nasasamid lang, kasi di naman madalas. tsaka feeling ko eh ginagaya nya lang ang mom ko. me allergy kasi ang mom ko kaya umuubo sya. baka feeling ni baby boy eh isa ito sa mga tinuturo ni lola sa kanya kaya ginagaya nya, hehe. pero last week, mga wednesday yata un, napansin namin na dumadalas na ung ubo nya, at totoong ubo na talaga. =( so ang parents ko naman eh medyo panic na. ako naman, in denial pa kasi feeling ko exclusively breastfeed naman sya eh, so di sya magkakasakit! i just called his pedia and she told me to give drops of cough syrup (parang adik! =) kasi daw uso talaga because of the weather. pero dahil mega panic ang lola, kasi daw parang lumuluha na si baby boy tuwing umuubo eh nag-absent na ako last friday at dinala na namin sya sa pedia. his pedia said he's ok. ubo lang naman, walang sipon at lagnat, thank GOD! at tsaka wala namang nabago sa feeding nya, the usual matakaw pa din sya and hindi naman sya matamlay. so i just have to observe him if magkaka-sipon or tutuloy sa lagnat, then i need to give additional medicines. buti naman hindi. he's still a strong boy! =) akala ko di na kami maka-attend ng kiddie party nung saturday dahil sick sya, sayang ang lootbag, hehe. pero um-attend pa din kami, kaya lang natulog lang si baby boy kaya di din sya nag-enjoy. atleast nakita na sya ng ibang barkada ni hubby. by this time, medyo ok na sya. di na masyadong inuubo. sana nga tuluyan nang gumaling. pati na din ung mga babies ng mga friends ko na tuluyan nang sinipon at nilagnat, sana gumaling na din agad. ang hirap pala talaga ng feeling kapag may sakit ang baby, parang gusto ko na ako na lang ang may sakit! bawat ubo nya, parang gusto kong iubo para di sya mahirapan. that's why, kahit mahirap, i'll try my best to give him pure breastmilk hanggat makakaya ko. lalo na ngayong uso ang mga sakit, it still pays off to give him the best milk! |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
|