Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Tuesday, August 16, 2005
please stand up, please stand up
me bagong gimik ang aking baby boy. from my previous post na strong boy, he can sit 90 degrees from a 45 degrees position with no support. aba, kagabi, nagpasikat sa kanyang ama. while they were playing, he was pulling his body again on his own, so ang ginawa ng asawa ko, pinahawak nya ung 2 index fingers nya para lang me makapitan si baby boy. alam mo ang ginawa? umupo at dire-diretsong tumayo. gulat pa nga si hubby kasi baka mapilayan or something. but no, he was able to stand up while holding on to my hubby's fingers lang. nayakap na lang ni hubby sa tuwa, hehe.
at di lang sa ama nya nagpasikat. kinuha sya ng lola nya at nakipag-laro din. same scenario (pero di pa alam ng mama ko ang bagong gimik nya), kaya hinawakan din ng mama ko at tumayo pa din sya. haha, sobrang tuwa ng mama ko sa apo nya! i just love seeing my parents extremely happy with their 1st apo, afterall, that's what they've asked from me. mukha kasing wala ng pag-asa sa dalawang kuya ko kaya ako na lang ang hiningan ng apo, hehe.
ano kaya ang susunod na gimik ng anak ko? sana lahat ng mga gimik nya eh katuwaan ko, kasi pag lumaki na sya, for sure eh di na ako matutuwa sa mga "gimik" nya!
un lang po, napa-kwento lang sa sobrang katuwaan. =)
posted by apple @ 9:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER