Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Monday, August 15, 2005
my 1st carousel ride

nung sabado, nagpunta kami sa ust para sa nth vaccine ng baby ko. sa sobrang dami eh di ko na alam kung pang-ilan! at naaliw kaming lahat kasi di umiyak si baby boy. medyo nagulat lang sya, then ok na.
pero di ito ang kwento ko, hehe. after that, it's family day once again! we went to shangrila plaza at nakita namin si alice dixon, berna at gary estrada, at sina juday at ryan (hhww). confirmed lang na "sila" na talaga! =) pero di pa rin yan ang kwento ko, medyo showbiz lang para sa mga interesado! =)
as you can see sa picture, 1st time sumakay ng horsey ang aking baby. 1st time lang talaga kasi po eh 4 mos pa lang sya noh. wala lang, naaliw lang ako. before pa kasi, everytime punta ako ng hairbytes, i was already eyeing that carousel sa shang, isip ko kung kailan kaya ako may maisasakay dyan? para kasing ang saya ng bata pag nasa carousel. so finally, kahit di pa alam ng anak ko kung ano ang carousel eh sinakay ko na din. kaya lang, sa sobrang excitement at kashungakan ko na din, naisakay ko sya sa horsey na di gumagalaw! at di na kami makalipat kasi occupied na lahat. so ang ginawa ko, inangat-angat ko na lang sya ng konti para kunyari eh up & down din ung horsey nya, gaya nung nasa harap nya. haha, mukhang tanga! kala mo naman alam na ng baby ko un. actually, pictures lang naman habol ko dun eh... picture ko na nasa carousel, dinahilan ko lang ang baby ko, hehe! finally, dream come true...ang babaw! =)
posted by apple @ 1:30 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER