Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Wednesday, August 17, 2005
yellow taxi cab...with signboard?!
eto ang continuation ng aking adventure kahapon...
i've never been lucky enough to find (and ride) a taxi at first instance! well, not unless i'm hitching from the NAIA arrival.
last night, ganyan pa din ang nangyari. i was at the back of our office waiting for a cab. dumating ang unang taxi, sakay ako agad. nung nalaman ni mamang driver kung saan ako patungo...di daw pwede kasi may susunduin daw sya ng 9pm at mabibitin sa oras. so baba ang beauty ko! dating ang pangalawang taxi, tanong nya kung saan ako. di daw pwede, alis na ulit sya. dating ang pangatlo, pang-apat until i lost count. naisip ko, di ba bawal sa taxi ang mamili ng pasahero, pwede silang i-report sa lto. oh well, pagka-report, wala din namang mangyayari eh, kaya namimihasa ang ilang drivers.
dapat pala pag sasakay ka ng taxi, imbes na ikaw ang magsabi sa driver kung saan ka pupunta, ikaw na lang ang magtanong sa kanila kung saan ang ruta nila. para alam mo kung pwede kang sumakay o hindi! tipong "mamang taxi driver, san ang punta mo?" pag sinabi nilang sa manila at sa manila din ang punta mo, jackpot! sakay ka na!
pero teka, taxi nga sila di ba. sana nag-jeepney driver na lang sila at maglagay ng signboard sa harap para walang problema. tipong "a-cubao, cubao, cubao"!
posted by apple @ 9:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER