Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Thursday, October 27, 2005
breastfeeding in public
birthday ng tita ko kahapon, kaya the usual ka-pamilya (tiendesitas gang, minus hubby, kuya & cuzz), nag-dampa kagabi. since may pasok ako, sumunod na lang ako sa dampa, libis. at ang aking unico iho ay binitbit na lang ng parents ko. first time bumyahe (parang ang layo eh mkna-libis lang naman), i mean, umalis ng baby ko na di ako kasama. pero ok lang naman daw sya, sabi ng lola nya.
pagdating ko sa dampa, kumakain na sila. at ang aking baby ay tulog sa rocker nya na nasa ibabaw ng lamesa. haha, mukha syang ulam dun, mukhang litson biik! =)
syempre, pagdatting ko, kain na din ako, samantalahain habang tulog si bebe. timing naman ang paggising nya kasi tapos na ako.
ang problema, biglang nag-inarte nung nakita ako. ayaw dumede sa bottle na dala ko from the office, which is expressed breastmilk ko. kahit ang lola na nya ang nagbigay, ayaw pa din, gusto sa akin. nyak! ngayon lang sya nag-inarteng ganyan, dati naman pag nasa mall kami, dumedede sya sa bote.
so what did i do?! dedma na sa mga kumakain! nagpa-dede talaga ako in public, haha. pero di naman masyado obvious kasi pinagdala naman ako ng mama ko ng pantakip na lampin. at nasa air-conditioned room naman kami kaya medyo tago pa din. pero kahit ano pa un, nakakapanibago pa din kasi it's my 1st time to nurse in public. =)
alam mo naman dito sa pinas, di nila alam ang kahalagahan ng breastfeeding at iba ang tingin nung mga di nakakaintindi sayo. imbes na purihin ka dahil gumagawa ka ng malaking sakripisyo sa baby mo, eh titignan ka pa nila na parang nakakahiya ung ginagawa mo.
actually, wala naman akong napansin na ganyan kagabi, kasi nga di naman ako masyado obvious. naisip ko lang bakit nga ba ganun ang tingin ng mga ibang filipino sa mga breastfeeding moms. well, siguro lack of education & awareness lang kaya ganun. =(
sana nga ma-educate tayo ng husto sa importance & benefits of breastfeeding, para ma-practice na din ito sa atin. para lahat ng babies, healthy & happy. =)
owel, nakaraos naman ako sa breastfeeding ko, tinuloy ko pa sa van.
and because we can't call it a night yet, dumiretso pa kaming eastwood at nag-ikot. kaya lang, wala na palang tiangge dun, konti na lang kaya ang boring. so umuwe na lang kami.
nakalimutan ko ding dalhan si baby boy ng cap. kaya nilagyan ko na lang ng panyo sa ulo na parang turban. haha, ang cute nya, parang gurl, hehe. sayang at lobat na ang camera ko kaya di ko na-picturan. dami pa namang cute halloween decors dun sa eastwood.
speaking of eastwood, palpak pala ang kanilang "world's longest buffet"! naging longest empty buffet daw, tsk! buti na lang di kami nakabili ng tickets, kundi, baka napaaway lang kami sa gutom.
and speaking of gutom,,,gutom na naman ako, huhu! parang gusto kong bumalik ulet ng dampa tonight para kumain ng shrimps, crabs, squid at manggang hilaw w/ bagoong.
and speaking of dampa...hala, paikot-ikot na lang ako. gutom na nga ako! waaah!
uwe na nga ako, mag-grocery pa kami ni hubby. byeee!
posted by apple @ 9:00 AM   3 comments
Wednesday, October 26, 2005
5 days to go...

here we come!!! =)
posted by apple @ 3:00 AM   0 comments
Tuesday, October 25, 2005
angel, ann or kc?
babies love watching tv commercials. pero kakaiba ang baby ko...as early as now, meron na syang peborits! =)
he would usually take a glance on those commercials with vivid colors, fast pacing and amazing sounds. but i tell you, kapag narinig na nya ang head & shoulders at palmolive commercials eh wala nang makaka-istorbo sa kanya. kahit ano pang ginagawa nyan, ke naglalaro kami, nag-uusap, umiiyak, dumedede at kahit antok na antok, titingin at titingin yan sa tv para manuod at tapusin ang commercial. a lot of times, inaasar namin sya, tinatakpan namin ung eyes nya, or hinaharangan namin ung view nya or tinatalikod namin sya (haha, bad parents! =), pero talagang pumipiglas at humahanap ng butas para makita lang sila angel locsin, ann curtis at kc concepcion! nakakaaliw kasi walang mintis un, at unang sound pa lang ng commercial, alam na nya agad at nakatingin na agad sya sa tv.
i don't know why he likes those commercials...must be the girls. haha, ang galing naman ng taste ng baby ko. baby pa lang, mana na sa ama! (haha, walang kokontra, blog ko ito! =)
kaya lang, may problema! akala namin perfect na sana ang taste nya, pero may isang sablay! bukod sa 3 commercials nitong nag-gagandahang girls na ito eh may isa pa syang peborit! ang colgate commercial! at ang model...si JR!!! nyahaha. pero di naman nya siguro ito crush, wish ko lang talaga!!! idol nya lang siguro kasi pareho silang kalbo ni jr. or sadyang magaling lang ang gumawa ng colgate commercial that it gets attention even from babies like mine. hehe, defensive! =)
anyway, mana nga sa ama, kaya eto na ang binabasa nya, nyehehe...
posted by apple @ 9:30 AM   2 comments
Tuesday, October 18, 2005
first meal
my baby has turned 6 months last week, but since na-hospitalized sya, his eating solids has been delayed for a week.
yesterday, sunday, was another first for my baby. his first meal! =)
whenever i'm home during meal time and if ever baby's awake, chances are that i can't eat alone! as i always say, ayaw humihiwalay ni baby saken pag nakikita ako sa bahay, kaya as expected, kandong ko sya whenever i eat. and he always observes our every move. mula sa pagkain, hanggang sa pagsubo ng food at pag-nguya, pati pag-inom. at times, i did act like feeding him through a spoon, at ayun, binubuka na ang bibig, gusto na talaga kumain. at katawa ang mukha nya kasi parang laging nagmamakaawa at gustong humingi, hehe.
finally, his time has come...i woke up early to prepare everything and syempre, to document everything also =). i prepared Gerber rice cereals and water on his sippy cup (1st time also to drink from a sippy cup). we assembled his high chair the night before.
when everything was in order, his tito (my bro) placed him on his high chair. syempre complete attendance ang family ko kasi another first ni baby boy eh, nyehehe! at mukhang reding-redi na nga ang anak ko dahil nilalapit ko pa lang ang baby spoon ay nakabuka na agad ang bibig, haha. at ang takaw dahil gusto nya pa ay sunod-sunod ang subo, umiiyak kapag natatagalan ako! obviously, naubos nya ung food nya at gutom pa nga yata kasi pati ung water ay gustong ubusin. medyo nasamid nga lang ata sa katakawan, kasi nga 1st time nya sa sippy cup, kaya nabigla yata dahil tuloy-tuloy ang tulo, hehe.
hay, baby boy is definitely growing! and he's now starting on his real world. start na din ang gastos namin on baby food, nyahaha!

posted by apple @ 9:00 AM   0 comments
basketball jersey
hubby is a player and a fan of basketball. kaya naman boy talaga ang unang gusto nyang maging baby kasi daw tuturuan nyang mag-basketball.
since i was preggy until now, naghahanap na yan ng jersey na pang-baby, but to no avail! finally, while i was having my shopping lunch-out last friday, i chanced upon this jersey for 12m babies. at syempre pa, binili ko na. pag uwe ko ng house at pinakita ko kay hubby, ano pa ba...eh di tuwang-tuwa! at kinabukasan, sa check-up ni baby ay iyon na agad ang pinasuot ni hubby! hala, di pa kaya nalalabhan, lagot si hubby! anyway, di sya talaga papaawat! kasi ba naman, timing dahil days before eh binilhan nya din si baby boy ng nike baller (may maliliit pala nun). =)
ang cute nyang lumabas dahil complete attire eh, kulang na lang ay headband at basketball court, hehe.

posted by apple @ 3:01 AM   0 comments
"te-te" 2
wow, finally! i was able to decipher my baby's first word! he actually means "de-de"! =) hehe, atleast happy na ako kasi related pala sa akin ung first word nya. na-realize ko sya kasi sinasabi nya un everytime dumedede sya saken. haha, nakakaaliw pala kapag nag-start na sila magsalita. kaya lang, bakit "tete" sa kanya? hay, wish ko lang walang "t-d" deficiency ang aking anak noh. =)
posted by apple @ 3:00 AM   0 comments
Friday, October 14, 2005
“te-te”
eto ang napaka-gandang first word ni baby boy! TE---TE! anak ng teteng naman anak, san mo ba natutunan yan?! wala naman syang ate para tawaging “te”. kahit sabihin kong “ma-ma”, aba “te-te” pa din sya! at madalas pa nya yang sabihin ha, aside from the other words na til now eh di ko pa din maintindihan. pinakinggan ko nga lahat ng mag toys nya at pinapanuod nya, pero wala naman akong madinig na ganung sound.
haaay! di kaya may pagka-bisaya ang anak ko? at ang ibig nyang sabihin sa “te-te” ay _____?! hala, baby pa lang mahilig na, manang-mana talaga sa ama! =)
posted by apple @ 9:30 PM   0 comments
6 months gone…6 months to go!
sadyang kay bilis ng panahon! parang kailan lang ay himas-himas ko pa ang aking malaki at mala-bolang tyan! ngayon, pagkaraan ng anim na buwan, tuwing hihimasin ko ang aking tyan, malaki pa din, pero di na mala-bola! waaah!!! puro taba na lang pala!
pero di yan ang dahilan kung bakit ako’y nagsusulat…
ang aking baby boy ay 6 months na, kalahating taon na syang nabubuhay sa mundo. at kalahating taon ko na ding nararanasan ang pagiging ina at nadarama ang kasiyahan na dulot nito. anim na buwan na lang, ang aking anak ay magiging “bata” na, di na “baby”, huhuhu. kaya sinasamantala ko na ang natitira pang panahon ko. tinititigan ko na syang maige, nilalaro ng mabute, niyayakap ng mahigpit at pinupupog ng halik. dahil batid ko na lalaki ang anak ko at darating ang panahon na tatanggihan na nya ang mga ito. =(
sa loob ng anim na buwan ay madami na kaming pinagdaanan, masasaya at malulungkot na alaala. mababasa nyo itong lahat sa aking mga nakaraang blog, hehe. ngunit kahit anong hirap at gastos ng may anak, napapawi lahat ito ng kanyang mga yakap at halik, ngiti at halakhak. kung di nga lang mahirap ang mag-anak at magpalaki ng anak ay nanaisin kong taon-taon na may baby sa aming tahanan. iba ung saya na aking nadarama, di ko maipahiwatig sa tagalog at parang mas magandang pakinggan pag ingles ang “I’ve never been this happy!” =)
di ko alam kung bakit naisulat ko ito, tamang senti lang siguro. ang totoo, gusto ko lang ipakita sa inyo ang bagong pinagkakaabalahan ng baby ko, ang kainin ang kanyang mga daliri sa paa! ang haba ng aking pasakalye noh, pasensya na po. mwehehe, eto na ung larawan nya…



tamang makabayan ah! =)
salamat po sa inyong pagsubaybay! at nawa’y magbalik kayo at umantabay! sa mga magaganap pa sa aking buhay! =)
posted by apple @ 3:44 AM   0 comments
Thursday, October 13, 2005
birthday gifts!
naaliw ako last week kay hubby kasi pareho kami ng ginawa. out of the blue, bigla kong naisipang bigyan ng 6-moth bday gift si baby boy. pag uwe ko ng house, sabi ko kay hubby na bumili ako ng gift NATIN para kay baby boy. un pala eh meron din pala syang in-order na gift para kay baby boy. haha, ang saya kasi dalawa pa ang gifts ni baby boy sa kanyang bertdey! plinano ko pa sanang balutin ung mga un, para may bubuksan syang regalo (kung marunong na nga ba sya, hehe), kaya lang since na-ospital nga sya eh wala na akong time. kaya binigay na lang namin nung birthday nya as is. at eto po un...


my gift & hubby's gift =)
posted by apple @ 9:35 AM   0 comments
6th month bday at tiendesitas
finally ay natuloy na din kami sa tiendesitas, frontera verde. the new shopping arcade in C5 Ortigas. 1 week delayed ang lakad na ito, kasi nga nagkasakit si baby boy. at kahit na kakalabas lang namin ng hospital at may sakit ako at si hubby, go pa din kami, hehe.
it was also a treat of my tita. na-approved kasi ulet ang US Visa nilang family kaya they are set to migrate, huhu, how sad! sila pa naman ang lagi naming kasama sa mga outings!
anyway, syempre di pwedeng mawala ang cake ni baby boy! after naming magsimba, I bought a cake from goldilocks at diretso na kami sa tiendesitas. kainis lang kasi medyo nadaganan ung box ng cake kaya nasira ung message sa cake. at sakto pa dun mismo sa name ni baby boy, hay! atleast di dun sa 6th, hehe. para alam kong pang-6th month nya ung cake pag nag-scrap ako, nyehehe!
di pa ganon kadami ang stalls, mostly antique shops pa lang kaya kinda boring pa. buti na lang may dog show nung nagpunta kami kaya kahit papaano ay naaliw na din kami. sa food naman, konti pa lang din ang choices, at medyo mahal. at ang init pa, since open air sya, at ang usok ng mga inihaw, medyo di kaya ng ventilation nila. kailangang tumapat ka talaga sa mga giant industrial fans nila para malamigan ka. puro bbq lang halos ang nakain namin. pano ba naman halos ubos na ung mga tinda nung iba kasi nga medyo madaming tao. but still, it was a sumptuous lunch. busog at masarap kumain kasi agawan, ang dami kasi namin eh kaya ang saya! =)
if ever you want to check the place, opt for a later date, kasi baka ma-disapppoint lang kayo. sa fashion village kasi, 3 or 4 stalls pa lang yata ang open, kaya not much to see and nothin' much to miss.
buti na lang at nakasakay kami ng calesa. un lang actually ung habol ko dun eh, ung makasakay ng calesa si baby boy, hehe. ang saya pa namin sa calesa ride kasi 6 kaming magpipinsan ang magkakasamang sumakay. medyo matagal nga lang ang waiting kasi isa lang ung malaking calesa eh. the rest ay pangdalawahan lang.
to sum it up, ok pa din ang 6th month bertdey ni baby boy, kasi it was spent with the people we love dearly. tsaka masaya kasi ang dami nga namin, parang one big happy family affair! at ang pinaka-masaya, libre kasi, hehe. ayun nga sa jingle nila…ang saya sa tiendesitas!!!
eto po ang katibayan ng aming kasiyahan...

posted by apple @ 9:30 AM   0 comments
hospital bonding
wednesday, oct 05, i was supposed to take a leave from the office to have some rest because our clinic advised me to, since i had a 38.5* fever the day before. buong akala ko pahinga, un pala, tension at luha ang inabot ko.
later that morning, my mother told me na pa-check-up na si baby boy and i-confine if necessary. aside kasi sa grabe at nakakaawang ubo nya, maririnig mo pa talaga ang plema nya at minsan, hingal ang breathing nya. at nagka-rashes pa sya kaya worried na naman kami. so i advised hubby who was already at the office that time na dadalhin namin si baby boy sa hospital. i packed baby’s things, pati na din gamit namin ni hubby.
at the hospital, pedia checked on baby at pinapa-monitor nya ang breathing ni baby boy kasi daw parang hinihingal at parang me asthma. i asked her if it’s advisable to confine na lang para ma-monitor mabuti. ang hirap din kasing pabalik-balik kami, medyo malayo ang hospital sa house namin. much better daw para ma-nebulize na din at mawala na ang kanyang plema.
so to make the story short, confine na nga sya. sumunod na sa ospital si hubby para samahan ako at ang parents ko. kaiyak ung pag-dextrose kasi thrice sya natusukan. 1st sa kamay, pero di mahuli nung doctor ung vein, haaay! then, sa paa naman. pero kinabukasan, lipat sa kabilang paa kasi ang likot-likot nya kaya laging natatanggal ung turok. hanggang sa nakiusap ako na wag nang lagyan on his 2nd day kasi laging nagbabara dahil natatanggal ung tusok. tutal he was feeding well na naman at kaya naman nya ang oral drops sa gamot.
our 3-day stay was ok naman, di naman masyado nakakaiyak kasi nagre-respond naman sa medicines at nebulizer si baby boy. medyo ok na sya at happy baby na ulet the 2nd day. parang gusto lang nya na maghapong naka-aircon, susko!
bonding din un para sameng pamilya. 3 araw din kaming magkakasama 24/7. at dahil maganda at kumpleto naman ang room namin (kanya-kanya pa kaming higaan, haha) at masarap ang pagkain, eh parang nagbakasyon lang ulet kami, hehe.
sa kakadasal ko kay Lord na alisin na nya ang sakit ni baby boy at ibigay na lang sa akin…lo and behold! natupad nga, hehe. dahil siguro sa isang linggong puyat, ako na ngayon ang may sakit. pero ok lang naman, kaya ko pa naman, basta wag lang si baby boy.
saturday, oct 08, finally ay lumabas na po kami. kailangan na naming lumabas kasi ayaw kong mag-birthday si baby boy sa ospital noh. tsaka ok na naman sya, dapat nga 48 hours lang kami dun eh.
well, eto po ang aming naging 1st family hospital experience. di ko na alam pano tatapusin tong blog ko. kaya ayon nga sa kanta ni chito ng PNE…kaya ganito na lang, bigla na lang mawawala! hehe


posted by apple @ 3:00 AM   0 comments
Tuesday, October 04, 2005
keep it or let go?
aside from us, his family, and his nike shoesss, another precious possession that hubby considers are his shirts! he has a whole damn lot! tipong umaapaw na sa closet nya. ang problema, di naman nya sinusuot lahat. nakatambak lang ung iba. daily get-ups nya ang shirt at pants, kaya naman tuwing nasa mall kami ay di kami pwedeng umuwe nang wala syang nabiling shirt. at tuwing ako'y magla-lunch out, di pwedeng di nya sabihin sa aking..."mahal, ingat ka ha. pasalubong ko ha, tshirt...amwah!" at ang uto-utong ako, bili naman ng shirt! yan po ang istorya kaya dumami ng dumami ang laman ng cabinet nya.
kahapon, matapos ko ayusin ang mga damit ni baby boy ay nilakasan ko ang loob kong ayusin ang cabinet nya. ayayay! ang gulo!!! kung di ko lang asawa un, malamang sa na ukay-ukay ko na lahat ng damit nya, hehe. sinabihan ko sya na aalisin ko na lahat ng mga shirts nya na di na nya ginagamit at di na kasya. aba, nalungkot ba naman ang mukha, parang bata na iniwan ng magulang. haha, ganon sya ka-attached sa mga shirts nya. so eto naman ako na parang nanay, trying to convince him. sabi ko, "sige ka, di na kita bibilhan ng mga bagong shirts, kasi alam ko na ang dami mo pa dito". kaya ayun, inisa-isa namin sila. tanong ko lagi "keep it or let go?" haha, halos lahat keep it pa rin, asawa ko talaga! nung naayos ko na lahat at ilalagay ko na sa plastic ung mga "let go" shirts nya, sabi ba naman nya "bye-bye shirts". natawa ako, ganun nya kamahal ung mga un, hehe. parang bata, nakakaaliw! =)
kaya eto na ngayon, obligado akong palitan ng bago ung mga inalis ko, nyahaha! ang mamahal pa naman ng mga tshirts nya noh.
nag-iisip tuloy kami kung pwede naming i-UK-UK , para me pambili ulet, hehe.
posted by apple @ 9:30 AM   0 comments
a very looong weekend...
last weekend was a very unusual one for all of us. it was a sad, tiring, depressing, no-sleep weekend. i’ll try to make it short, coz’ i don’t want to recall much of it. =(

friday, 8pm – hubby and i arrived home and took baby’s temperature, it was a raging 39 degrees! so I panicked and called my pedia at once. she advised me to go to the ER of UST Hospital asap so they can check my baby. she wanted to know if he has an infection and if it’s needed to give antibiotics. she’s also open to the possibility of dengue. but being a dengue survivor, i’m positive that it was not!
upon hearing this, i cried of course! i didn’t know what to do. as always, 1st time experiences hit BIG! my hubby arranged baby’s things, as well as ours’ if ever he’ll be confined. as we left, lola was crying also, emotional family huh. =)
the ER doctors communicated with my pedia. and she advised a CBC to be done to my baby. i just held my baby while the procedure was being done coz he was crying the whole time. =(
the result was ok, thank GOD! just a slight viral infection. but we were advised by my pedia to go back that morning so she can check on my baby herself.
we were home at 2am, but baby boy still had a hard time sleeping. i really pity him because he was crying hoarsely, maybe because of his cough and 2-day crying. hubby and i barely slept, because we needed to rock his cradle all night so he can sleep.

saturday, 8am – woke up and prepared for the check-up again, it was a 2-hr sleep for both of us. pedia said that it’s asthma season, so we really need to monitor closely if it’ll lead to that. additional medicines were prescribed. finally, we were home by 2pm. it was unusual because check-up morning has always been followed by an afternoon malling, strolling and shopping. this time, it was straight home. =(
it was also sad because we weren’t able to attend the despedida of our friend (hubby’s barkada). to think that I was the one who teased them to have that party. and we were pretty excited on that, lotsa food (for me) and beers (for hubby!)
just the same, our night was spent with a lot of wailing, rocking and crying. it was so hard for a mother like me to not know what your baby needs, especially when you know that your baby is in pain. there were times that i would just cry and pray!

sunday – our day started early, well, at least for me coz’ i haven’t slept and can’t sleep anymore. i cooked and prepared breakfast. it was finally a break for all of us because baby was soundly sleeping. we all had breakfast at the same time and it was a happy family time. since baby was catching up on his sleep, i was able to do a lot of things in our house. i was able to arrange baby’s clothes and things. remove all clothes that don’t fit him anymore, and brought out all the clothes that fit him now. i also did the same thing for hubby’s clothes (another blog for this =).
merienda time, we had pizza delivered, yum-yum!
then it was time to go to mass. since baby can’t come with us, hubby & i just walked ourselves to Sta. Lucia to hear the 6pm mass. we were able to reminisce our good old days when we were just dating, when it was only the two of us and when we didn’t care at anything except US! =)
haaay, kung san-san na napunta ang kwento ko, nalihis na din sa original topic ko. medyo humaba na din sya ha, di ko mapigilan, hanggang sa pagta-type, madaldal pa din ako!
anyway, medyo ok na naman si little boy ngayon. kahit na medyo problematic kami nung friday at saturday, medyo masaya pa din ako pagdating nung sunday. hindi lang dahil sa gumaling na si baby boy, nakapag-bonding pa kaming mag-asawa sa bahay. bukod sa madami akong na-acomplished at naayos sa bahay, na-realize ko masaya pa din pala kahit na wala kami sa mall pag weekend, kahit na di kami nakapag-shopping, ok pa din ang bonding. nakapagkwentuhan at nakapagbiruan kami ng mas matagal, na tipong walang istorbong nike shops o bags o baby toys pag lakad mo, hehe. at higit sa lahat, ok pala pag nasa bahay lang kasi walang gastos, haha. actually, wala nang pang-gastos kasi ubos na sa hospital bills at gamot ni baby, waaah!
i'll try to make it short daw oh...uy, short pa yan sa mga actual na nangyari. dahil sabi ko nga sa title ko, it was a looong weekend!
posted by apple @ 3:00 AM   0 comments
Saturday, October 01, 2005
baby boy is sick! =(
before i went home last night, i bought cough syrup for baby. hinde ito ung pang -adik ha, hehe. when i got home, baby was asleep, kaya di ko muna hinawakan. sayang kasi ang tulog, baka magising na naman.
when he woke up, i just felt that he was hot. got his temperature, and oh my, it was 38*! for the first time, he had a fever. he never had fever before, even after vaccines. so i was really devastated, as in! not only because it was 1st time, more on i didn't expect that to happen. i am exclusively breastfeeding because i want my baby to be healthy and sick-free. and i've trusted that breastmilk, combined with vitamins, will do the work. but i guess i've just expected too much, or maybe i am not eating healthy! owell, it could have been worst! with the pollution, extreme weather, viruses in our country, my baby is still lucky and healthy that it was only a slight fever. =)
so in the middle of the night, i called my pedia and she suggested to give calpol drops. so i asked hubby to buy at a nearby drugstore. after giving medicines, i rocked my baby to sleep. but all he did was cry! oh, i tell you, it was sooo hard to see him like that!
i just hugged and kissed him, he was so hot that it really made my heart and my body melt. as i was rocking his cradle, i can't help but cry! tipong eksena sa isang telenobela, hehe. habang ugoy-ugoy ko ang duyan, dahan-dahang pumapatak ang aking mga luha, huhuhu, sobsobsob!
i prayed, i prayed and i prayed! hubby, baby and i prayed! finally, baby was able to sleep, after hours of rocking in the cradle. that was already past 1am. as soon as he slept, i wrote down his temperature readings, his medication instructions, so i can monitor closely. as soon as i laid my back on our bed..."waaah!" cried my baby. owell, i'm a mother, and sometimes, that's how it should be. i got him again and breastfed in our bed. took his temperature and it was already 38.5! i just hugged him close, and i cried myself to sleep.
after i dozed off, the alarm went on. what-the-fcuk! =) it was 5am and time for my baby's medicines. thank god, his temperature went down to 37.5.
when i finally can't play supermom anymore, i woke up hubby and asked to put baby back to sleep. it was a 2-hr sleep for me, just enough because i can't take a leave from the office. we have an important meeting this afternoon, so i just need to be there!
my baby was still asleep when we left. but accoring to my parents, he's doing ok now, just a little coughing though.
i realized how affected i am with just that 38 degree fever! i don't know how else can i handle situations worst than that. owell, with my hubby, family and God on my side, i trust that i'll do well. pero sana Lord, wala na lang din, hehe.
it was a looong night for us, but tgif! we can finally rest. just sad because our 1 week plan of going to tiendesitas / frontera verde was cancelled because we can't leave baby behind. but, there's always the next weekend! =)
and oh, btw, when i arrived here in the office, i got a text from my boss that meeting today is cancelled! WTF again, hehe. owell, that's life! =)
posted by apple @ 3:00 AM   1 comments
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER