Thursday, October 13, 2005 |
6th month bday at tiendesitas |
finally ay natuloy na din kami sa tiendesitas, frontera verde. the new shopping arcade in C5 Ortigas. 1 week delayed ang lakad na ito, kasi nga nagkasakit si baby boy. at kahit na kakalabas lang namin ng hospital at may sakit ako at si hubby, go pa din kami, hehe. it was also a treat of my tita. na-approved kasi ulet ang US Visa nilang family kaya they are set to migrate, huhu, how sad! sila pa naman ang lagi naming kasama sa mga outings! anyway, syempre di pwedeng mawala ang cake ni baby boy! after naming magsimba, I bought a cake from goldilocks at diretso na kami sa tiendesitas. kainis lang kasi medyo nadaganan ung box ng cake kaya nasira ung message sa cake. at sakto pa dun mismo sa name ni baby boy, hay! atleast di dun sa 6th, hehe. para alam kong pang-6th month nya ung cake pag nag-scrap ako, nyehehe! di pa ganon kadami ang stalls, mostly antique shops pa lang kaya kinda boring pa. buti na lang may dog show nung nagpunta kami kaya kahit papaano ay naaliw na din kami. sa food naman, konti pa lang din ang choices, at medyo mahal. at ang init pa, since open air sya, at ang usok ng mga inihaw, medyo di kaya ng ventilation nila. kailangang tumapat ka talaga sa mga giant industrial fans nila para malamigan ka. puro bbq lang halos ang nakain namin. pano ba naman halos ubos na ung mga tinda nung iba kasi nga medyo madaming tao. but still, it was a sumptuous lunch. busog at masarap kumain kasi agawan, ang dami kasi namin eh kaya ang saya! =) if ever you want to check the place, opt for a later date, kasi baka ma-disapppoint lang kayo. sa fashion village kasi, 3 or 4 stalls pa lang yata ang open, kaya not much to see and nothin' much to miss. buti na lang at nakasakay kami ng calesa. un lang actually ung habol ko dun eh, ung makasakay ng calesa si baby boy, hehe. ang saya pa namin sa calesa ride kasi 6 kaming magpipinsan ang magkakasamang sumakay. medyo matagal nga lang ang waiting kasi isa lang ung malaking calesa eh. the rest ay pangdalawahan lang. to sum it up, ok pa din ang 6th month bertdey ni baby boy, kasi it was spent with the people we love dearly. tsaka masaya kasi ang dami nga namin, parang one big happy family affair! at ang pinaka-masaya, libre kasi, hehe. ayun nga sa jingle nila…ang saya sa tiendesitas!!! eto po ang katibayan ng aming kasiyahan...
|
posted by apple @ 9:30 AM |
|
|