Tuesday, October 25, 2005 |
angel, ann or kc? |
babies love watching tv commercials. pero kakaiba ang baby ko...as early as now, meron na syang peborits! =) he would usually take a glance on those commercials with vivid colors, fast pacing and amazing sounds. but i tell you, kapag narinig na nya ang head & shoulders at palmolive commercials eh wala nang makaka-istorbo sa kanya. kahit ano pang ginagawa nyan, ke naglalaro kami, nag-uusap, umiiyak, dumedede at kahit antok na antok, titingin at titingin yan sa tv para manuod at tapusin ang commercial. a lot of times, inaasar namin sya, tinatakpan namin ung eyes nya, or hinaharangan namin ung view nya or tinatalikod namin sya (haha, bad parents! =), pero talagang pumipiglas at humahanap ng butas para makita lang sila angel locsin, ann curtis at kc concepcion! nakakaaliw kasi walang mintis un, at unang sound pa lang ng commercial, alam na nya agad at nakatingin na agad sya sa tv. i don't know why he likes those commercials...must be the girls. haha, ang galing naman ng taste ng baby ko. baby pa lang, mana na sa ama! (haha, walang kokontra, blog ko ito! =) kaya lang, may problema! akala namin perfect na sana ang taste nya, pero may isang sablay! bukod sa 3 commercials nitong nag-gagandahang girls na ito eh may isa pa syang peborit! ang colgate commercial! at ang model...si JR!!! nyahaha. pero di naman nya siguro ito crush, wish ko lang talaga!!! idol nya lang siguro kasi pareho silang kalbo ni jr. or sadyang magaling lang ang gumawa ng colgate commercial that it gets attention even from babies like mine. hehe, defensive! =) anyway, mana nga sa ama, kaya eto na ang binabasa nya, nyehehe...
|
posted by apple @ 9:30 AM |
|
2 Comments: |
-
apple,
ganyan na ganyan din si andrew. like niya shampoo commercials peyborit niya ung ke JR nga lang hahahaha.....parehas
-
apols & alpha (puro tayo A ah!),
haha, ano kaya nasa shampoo commercials at click sa mga babies. at ano kayang meron si JR at click din sa babies? baby boy at that! haha.
|
|
<< Home |
|
|
|
apple,
ganyan na ganyan din si andrew.
like niya shampoo commercials
peyborit niya ung ke JR nga lang hahahaha.....parehas