Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Thursday, October 13, 2005
hospital bonding
wednesday, oct 05, i was supposed to take a leave from the office to have some rest because our clinic advised me to, since i had a 38.5* fever the day before. buong akala ko pahinga, un pala, tension at luha ang inabot ko.
later that morning, my mother told me na pa-check-up na si baby boy and i-confine if necessary. aside kasi sa grabe at nakakaawang ubo nya, maririnig mo pa talaga ang plema nya at minsan, hingal ang breathing nya. at nagka-rashes pa sya kaya worried na naman kami. so i advised hubby who was already at the office that time na dadalhin namin si baby boy sa hospital. i packed baby’s things, pati na din gamit namin ni hubby.
at the hospital, pedia checked on baby at pinapa-monitor nya ang breathing ni baby boy kasi daw parang hinihingal at parang me asthma. i asked her if it’s advisable to confine na lang para ma-monitor mabuti. ang hirap din kasing pabalik-balik kami, medyo malayo ang hospital sa house namin. much better daw para ma-nebulize na din at mawala na ang kanyang plema.
so to make the story short, confine na nga sya. sumunod na sa ospital si hubby para samahan ako at ang parents ko. kaiyak ung pag-dextrose kasi thrice sya natusukan. 1st sa kamay, pero di mahuli nung doctor ung vein, haaay! then, sa paa naman. pero kinabukasan, lipat sa kabilang paa kasi ang likot-likot nya kaya laging natatanggal ung turok. hanggang sa nakiusap ako na wag nang lagyan on his 2nd day kasi laging nagbabara dahil natatanggal ung tusok. tutal he was feeding well na naman at kaya naman nya ang oral drops sa gamot.
our 3-day stay was ok naman, di naman masyado nakakaiyak kasi nagre-respond naman sa medicines at nebulizer si baby boy. medyo ok na sya at happy baby na ulet the 2nd day. parang gusto lang nya na maghapong naka-aircon, susko!
bonding din un para sameng pamilya. 3 araw din kaming magkakasama 24/7. at dahil maganda at kumpleto naman ang room namin (kanya-kanya pa kaming higaan, haha) at masarap ang pagkain, eh parang nagbakasyon lang ulet kami, hehe.
sa kakadasal ko kay Lord na alisin na nya ang sakit ni baby boy at ibigay na lang sa akin…lo and behold! natupad nga, hehe. dahil siguro sa isang linggong puyat, ako na ngayon ang may sakit. pero ok lang naman, kaya ko pa naman, basta wag lang si baby boy.
saturday, oct 08, finally ay lumabas na po kami. kailangan na naming lumabas kasi ayaw kong mag-birthday si baby boy sa ospital noh. tsaka ok na naman sya, dapat nga 48 hours lang kami dun eh.
well, eto po ang aming naging 1st family hospital experience. di ko na alam pano tatapusin tong blog ko. kaya ayon nga sa kanta ni chito ng PNE…kaya ganito na lang, bigla na lang mawawala! hehe


posted by apple @ 3:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER