Thursday, October 27, 2005 |
breastfeeding in public |
birthday ng tita ko kahapon, kaya the usual ka-pamilya (tiendesitas gang, minus hubby, kuya & cuzz), nag-dampa kagabi. since may pasok ako, sumunod na lang ako sa dampa, libis. at ang aking unico iho ay binitbit na lang ng parents ko. first time bumyahe (parang ang layo eh mkna-libis lang naman), i mean, umalis ng baby ko na di ako kasama. pero ok lang naman daw sya, sabi ng lola nya. pagdating ko sa dampa, kumakain na sila. at ang aking baby ay tulog sa rocker nya na nasa ibabaw ng lamesa. haha, mukha syang ulam dun, mukhang litson biik! =) syempre, pagdatting ko, kain na din ako, samantalahain habang tulog si bebe. timing naman ang paggising nya kasi tapos na ako. ang problema, biglang nag-inarte nung nakita ako. ayaw dumede sa bottle na dala ko from the office, which is expressed breastmilk ko. kahit ang lola na nya ang nagbigay, ayaw pa din, gusto sa akin. nyak! ngayon lang sya nag-inarteng ganyan, dati naman pag nasa mall kami, dumedede sya sa bote. so what did i do?! dedma na sa mga kumakain! nagpa-dede talaga ako in public, haha. pero di naman masyado obvious kasi pinagdala naman ako ng mama ko ng pantakip na lampin. at nasa air-conditioned room naman kami kaya medyo tago pa din. pero kahit ano pa un, nakakapanibago pa din kasi it's my 1st time to nurse in public. =) alam mo naman dito sa pinas, di nila alam ang kahalagahan ng breastfeeding at iba ang tingin nung mga di nakakaintindi sayo. imbes na purihin ka dahil gumagawa ka ng malaking sakripisyo sa baby mo, eh titignan ka pa nila na parang nakakahiya ung ginagawa mo. actually, wala naman akong napansin na ganyan kagabi, kasi nga di naman ako masyado obvious. naisip ko lang bakit nga ba ganun ang tingin ng mga ibang filipino sa mga breastfeeding moms. well, siguro lack of education & awareness lang kaya ganun. =( sana nga ma-educate tayo ng husto sa importance & benefits of breastfeeding, para ma-practice na din ito sa atin. para lahat ng babies, healthy & happy. =) owel, nakaraos naman ako sa breastfeeding ko, tinuloy ko pa sa van. and because we can't call it a night yet, dumiretso pa kaming eastwood at nag-ikot. kaya lang, wala na palang tiangge dun, konti na lang kaya ang boring. so umuwe na lang kami. nakalimutan ko ding dalhan si baby boy ng cap. kaya nilagyan ko na lang ng panyo sa ulo na parang turban. haha, ang cute nya, parang gurl, hehe. sayang at lobat na ang camera ko kaya di ko na-picturan. dami pa namang cute halloween decors dun sa eastwood. speaking of eastwood, palpak pala ang kanilang "world's longest buffet"! naging longest empty buffet daw, tsk! buti na lang di kami nakabili ng tickets, kundi, baka napaaway lang kami sa gutom. and speaking of gutom,,,gutom na naman ako, huhu! parang gusto kong bumalik ulet ng dampa tonight para kumain ng shrimps, crabs, squid at manggang hilaw w/ bagoong. and speaking of dampa...hala, paikot-ikot na lang ako. gutom na nga ako! waaah! uwe na nga ako, mag-grocery pa kami ni hubby. byeee! |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
3 Comments: |
-
hi apple! i can relate! ako nung una hiyang hiya pa magbreastfeed sa public pero ngayon kahit sa likod ng trolley or sa mall, hala , breastfeed ako pero laging me cover naman! even my friends here does the same thing. ang mga puti, wala namang pakialam. dito me mga breastfeeding center pa sa mall so they really support it.. basta bilib ako sa yo..! mabuhay ka! regards to your cute baby! ang bilis nyang lumaki noh?
-
kudos to you girl! Nursing clothes help, though! Also slings! We never take bottles when we go out. I would always put Kevin in my sling and nurse him there, no cares for the world. He needs me! =)
-
dang & jen,
korek, dedma na sa iba, our babies need us! atleast dyan, accepted na ang nursing in public. not like here in pinas, haaay! pero sa pagdami natin, sana masanay na din sila.
|
|
<< Home |
|
|
|
hi apple! i can relate! ako nung una hiyang hiya pa magbreastfeed sa public pero ngayon kahit sa likod ng trolley or sa mall, hala , breastfeed ako pero laging me cover naman! even my friends here does the same thing. ang mga puti, wala namang pakialam. dito me mga breastfeeding center pa sa mall so they really support it..
basta bilib ako sa yo..! mabuhay ka! regards to your cute baby! ang bilis nyang lumaki noh?