Friday, October 14, 2005 |
6 months gone…6 months to go! |
sadyang kay bilis ng panahon! parang kailan lang ay himas-himas ko pa ang aking malaki at mala-bolang tyan! ngayon, pagkaraan ng anim na buwan, tuwing hihimasin ko ang aking tyan, malaki pa din, pero di na mala-bola! waaah!!! puro taba na lang pala! pero di yan ang dahilan kung bakit ako’y nagsusulat… ang aking baby boy ay 6 months na, kalahating taon na syang nabubuhay sa mundo. at kalahating taon ko na ding nararanasan ang pagiging ina at nadarama ang kasiyahan na dulot nito. anim na buwan na lang, ang aking anak ay magiging “bata” na, di na “baby”, huhuhu. kaya sinasamantala ko na ang natitira pang panahon ko. tinititigan ko na syang maige, nilalaro ng mabute, niyayakap ng mahigpit at pinupupog ng halik. dahil batid ko na lalaki ang anak ko at darating ang panahon na tatanggihan na nya ang mga ito. =( sa loob ng anim na buwan ay madami na kaming pinagdaanan, masasaya at malulungkot na alaala. mababasa nyo itong lahat sa aking mga nakaraang blog, hehe. ngunit kahit anong hirap at gastos ng may anak, napapawi lahat ito ng kanyang mga yakap at halik, ngiti at halakhak. kung di nga lang mahirap ang mag-anak at magpalaki ng anak ay nanaisin kong taon-taon na may baby sa aming tahanan. iba ung saya na aking nadarama, di ko maipahiwatig sa tagalog at parang mas magandang pakinggan pag ingles ang “I’ve never been this happy!” =) di ko alam kung bakit naisulat ko ito, tamang senti lang siguro. ang totoo, gusto ko lang ipakita sa inyo ang bagong pinagkakaabalahan ng baby ko, ang kainin ang kanyang mga daliri sa paa! ang haba ng aking pasakalye noh, pasensya na po. mwehehe, eto na ung larawan nya…
tamang makabayan ah! =) salamat po sa inyong pagsubaybay! at nawa’y magbalik kayo at umantabay! sa mga magaganap pa sa aking buhay! =) |
posted by apple @ 3:44 AM |
|
|