Thursday, October 26, 2006 |
halloween |
i am quite excited with this year's halloween. kasi naman, pwede nang mag-participate si lil' boy kahit papaano. not like before na karga ko lang sya while having "trick or treat" sa mall. sayang lang kasi our weekend is full so we can't join the halloween parties at the mall. although we have 1 party tomorrow here in my company. lil' boy has a Superman costume given by my friend from the US. though i'm still thinking if iyon nga ang gagamitin nya, kasi naman, super common na si Superman eh. although ibang klase naman yung costume nya, mas maganda yung tela and all. but well, Superman pa din iyon. i wanted him sana to wear again his Hershey's Kisses costume (na galing din sa same friend ko). super cute kasi at unique talaga. dami ngang na-cute-an sa kanya sa mall last year eh, as i've blogged here.
kaya lang, nung sinukat ko ulit, medyo bitin na, hehe. bahala na, depends on my mood. =)
we just bought a pumpkin pail and a pumpkin light last week to set lil' boy's mood.
|
posted by apple @ 3:29 PM |
|
|
Monday, October 23, 2006 |
basketball addict |
ganito ka-addict ang anak ko sa basketball:
his 1st court sa terrace namin dyan sa natutong mag-dunk ala "Jordan", nakalabas ang tongue. hahaha. siguro, influenced na din ng tatay nyang super love din ang basketball at ang tito nyang laging MVP din ng basketball. i just hope he'll learn the "moves". =)
pati sa bedroom namin, may court na din at di pa sya kuntento sa isang bola lang, kaya nga may koleksyon na kami ng balls eh.
kahit antok na yan, mag-shoot pa din minsan nga, while breastfeeding, may act of shooting pa din. side kwento: ang trip nya ngayon ay breastfeeding while standing! nakahiga ako sa side ng bed at siya naman ay nakatayo sa gilid ng bed at dumedede while holding his ball. why oh why? kasi po, parang "time-out" or milk (water) break lang nya yun, kasi after that, takbo na naman sya sa court para mag-shoot. hay!
ang pinaka-bago nyang court, sa van namin kulang na lang pati sa CR ay maglagay na din kami ng basketball court eh, hehe
o di ba, adik talaga! hanggang pagtulog, kasama ang bola!=) |
posted by apple @ 3:24 PM |
|
|
Sunday, October 22, 2006 |
kindermusik |
super delayed post! my lil' boy's first day in school was last Oct 07, saturday. naki-trial class sya sa last class ni trey (ni joyce) sa Kindermusik in Children Talent Education Center (CTEC) in Greenhills. and boy, he sure had FUN!!!
ang mag-pare, hehe
solo class ni trey ito, kaya silang dalawa lang ang students, haha
he super loves music, kaya super happy sya sa mga activities na may tugtog
in one of our dancing activities
super happy boy!
fun play
he just loves the teacher
and all the activities
my super kulit boy!
grabe, as in nag-enjoy sya. so sad nga lang kasi trey had tantrums kaya di sila masyadong nakapag-interact. di siguro sanay si trey na may classmate, hehe. after an hour of activites, we gave trey our "graduation gift" and left happily but oh so tired, hehe. mabigat na din kasi ang anak ko noh, kaya pahirapan na buhatin at i-swing sa mga activities dun. but it was really fun and truly a nice bonding moment. |
posted by apple @ 1:53 PM |
|
|
Thursday, October 19, 2006 |
it's been 5 years... |
yes, it's been 5 years! that's how long i've been with this company! and i'm getting something for survivng and making it this far! =) i just bought (this lunch break!) the Lacoste item i've been planning to buy for weeks now. atleast i had that extra money to spare. yipee! i'm so happy...thanks to my beloved company! =) next token on my 10th year, wish me luck! hahaha. |
posted by apple @ 2:26 PM |
|
|
Tuesday, October 17, 2006 |
I've Been Tagged... |
by Alpha.
5 Weird Things About Me?
1. i think i was a race car driver in my past life. =) i sooo hate stupid and slow drivers, sorry! kapag naman pasahero lang ako at nakasakay sa harapan ng FX or shuttle and 'manong' is the "not-so-good-driver" type, i tend to 'drive' in my mind. tipong "haller manong, baka pwedeng bilisan; excuse me, GO na po tayo; manong, kasya pa ang bus dyan, baka gusto mong sumingit?". hehe, weird noh. =)
2. i'm a born party decorator! just a simple inquiry of a kiddie PARTY excites me. tipong consultation period pa lang, basta nalaman ko na ang theme nya, hay, endless thinking na yan. on the way home, hanggang sa pagtulog ko, nag-iisip ako ng new ideas na pwedeng ipasok sa theme nya. minsan nga di pa ako makatulog sa pag-iisip eh, hehe. kaya nasusulit ang free consultations ko, kasi i give a lot of ideas even without closing the deal. =)
3. i always think of other people's lives. tipong kapag nadaan ako sa squatter's area, or nung nadaan ako sa mga big houses sa Ayala, Alabang, or whenever i see something different, i always ask myself "how's life there kaya?" (o di ba slang, hehe). i definitely want to try the life of those people living in AA, hahaha.
4. i'm now so emotional. just watching a mother-child scene can make me cry. kahit na hindi masyadong drama ang pinapanuod ko, or even happy scenes na tipong bonding ang mag-ina, minsan naiiyak na ako. pero iyak talaga ako while watching MMK last Friday, yun pla naging "horror", kasi biglang nabuhay si Nash habang nakaburol, hehe. galing nun, praise God talaga! =)
5. on a lighter note, nahawa na ako kay hubby sa kawirdohan nya! minsan ay sumasabay na din ako sa pag-dip ng Tortillos sa catsup, hahaha. sarap, try nyo. =)
how about you (Cheryll, Cynch, Jane, Jody & Vesta), hope you can share your weird side too. =) |
posted by apple @ 12:48 PM |
|
|
|
how to clean your ears? |
this is how my kulit lil' boy cleans his ears. actually, ako ang naglilinis ng ears nya. but he always wants to have his own cotton buds at ilalagay nya sa ears nya, at iiwanan nya dun. at tatawa pa, parang alam nyang nakakatawa ang itsura nya, haha. hay, kulit talaga! =) |
posted by apple @ 5:28 PM |
|
|
|
|