Thursday, September 29, 2005 |
closed-open |
2 weeks nang pinagyayabang saken ng parents ko na marunong na daw mag-close-open si baby boy. pero si baby boy, ayaw pang ipagyabang saken, hehe. tuwing kakantahan ko sya ng closed-open, andyang ibuka't sara nya ang kamay, andyang hindi. di consistent kumbaga. kaya sabi ko, more, more, more practice! kahapon, di pumasok sa office si hubby dahil may sakit. kaya sa fon pa lang ay ibinida na nya si baby boy na consistent na daw. aba, na-video pa nya. kaya pag uwe ko, kinuha ko agad ang right hand ni baby boy, sabay kantang closed-open. ayun, at tuloy-tuloy sinara at binuksan ang kanyang kamay while i was singing. at consistent na nga, kasi kahit ano ginagawa nya, basta hold ko ang hand nya at mega-sing ako, closed-open naman sya, katuwa grabe! although di pa nya ma-differentiate ang closed at ang open, hehe. basta bukas-sara lang sya ng hand nya, kahit di sabay sa pagkanta ko, nyehehe. hayaan mo na, 5 months pa lang naman eh, konting practice na lang, perfect na nya! =) one more thing, he knows how to kiss na. pag sinabi mong "kiss mama", magle-lean sya sa face mo, then dikit nya ung lips nya sa chicks mo. though not the usual "tsup", wala pang sound. dikit lang nya, then pagtanggal nya, puno ka na ng laway, ahaha! hay, ang anak ko, nakakatuwa! kaya pagdating ko galing office, isang kiss lang nya, tanggal lahat ng pagod ko. un nga lang, puno ka ng laway nya. hay, baby pa lang, wet kisser na, nyahaha! =) |
posted by apple @ 9:00 AM |
|
|