Wednesday, September 21, 2005 |
a-brrrrr (talsik-laway) |
di ako nakapasok kahapon kaya magkasama kami ni baby boy buong araw. at eto ang bago nyang laro ngayon, ang magpatalsik ng laway, hehe. he’s so fond of his saliva that he was blowing bubbles before. pero ngayon, di lang bubbles, as in a-brrrrr! lahat ng laway nya, nasa mukha nya at mukha ko, hahaha. gusto pa nya kasali ako, take turns kami. pagkatapos nya, dapat ako naman, kapag di ko ginawa, sasabihin nya “hmmm”, ibig sabihin yata nun eh ako na! syempre pag ako na, di ko na pinapatalsik ung laway ko kasi medyo kadiri na un eh, haha. ung sound na lang, minus the laway. aliw na aliw naman sya. hanggang sa makita kong basang-basa na ung mukha nya ng laway nya, ahaha! moments like these are really for keeps! =) isa pang kinatutuwa ko kay baby boy ay marunong na syang mangalabit at mang-gising. kapag tinalikuran ko yan sa kama at di pinapansin, kinakalabit ako nyan, walang tigil hanggang pansinin ko na sya, hehe. at pag nagising naman sya sa tabi ng kanyang papang naghihilik, ginigising nya talaga sapamamagitan din ng pangangalabit. hay, baby pa lang marunong ng mangalabit. sana pag tanda nya, di sya mangalabit at baka sumabit! haha. |
posted by apple @ 9:30 AM |
|
|