Wednesday, September 21, 2005 |
merienda ispesyal |
nung Sunday, after naming magsimba at mag-lunch ay nag-grocery kami. kasama namin si baby boy at nilalagay namin sya dun sa pushcart, pero di pa pwede eh, kasi baka mauntog at matuktukan pa kami ng magulang ko, hehe. anyway, bumili po si hubby ng burger patties at lulutuin nya daw para sa aming meryenda. so pag-uwe ng bahay, binigay ko na si baby boy kay yaya habang ako naman ay nag-pump ng breastmilk ko, while si hubby ay abala sa kusina. pagkatapos ko mag-pump ay nagpunta akong kitchen at nandun ang aking asawa, pawisan at kinarir ang aming meryenda! kumpleto ang burger namin ng repolyo (wala kasing lettuce, hehe) tomato at onions. at di lang yun, meron pang fries on the side. naks, ang galing! na-excite naman ako at nag-prepare na ako ng drinks namin at ti-noast ko ung tasty (nalimutan kasi naming bumili ng bun, haha). after 10 years siguro ay nakakain na din kami, hehe, tagal noh! sabi ko sa inyo merienda ispesyal eh, kaya inabot ng decades ang pag-prepare. pero well worth it naman, kasi ang sarap! Purefoods kasi eh,,,ay mali, gawa kasi ni hubby pala, kaya masarap! =) |
posted by apple @ 3:00 AM |
|
|