Tuesday, November 15, 2005 |
ssssshhh... |
meron kaming secret kay baby boy, hehe. well, aside sa mga gifts namin sa kanya sa pasko eh meron pang isa...kaya wag kayong maingay! =) i posted here weeks ago our supposed to be ocean adventure get-away. sobrang excited kami nun kasi 1st swimming ni baby boy at 1st "real" out-of-town nya. he's been to tagaytay na before pero dahil madalas naman kami dun at may house kami dun eh di na masyadong "challenging" ang tagaytay for us. =) sa subic sana kasi overnight kami dun sa hotel, kaya excited talaga kami. and with all the dolphins and whales shows, i'm sure matutuwa si...hubby, hehe. anyway, eto ang story behind the postponement. days before, nagkasakit si baby boy, inuubo, kaya syempre pa, cancelled! so kinausap ko si baby boy na magpagaling na sya at next weekend na lang kami pupunta (long weekend). pero etong si baby ko, mukhang ayaw yata mag-travel talaga kaya di pa din sya fully recovered came that saturday. so for the 2nd time, postponed ulet. =( sabi ko sa mama ko, sked na lang namin sa nov. 26, in time pa for my dad's bday. at sinabi ko din sa kanila na huwag sabihin kay baby boy, kasi baka ubuhin na naman eh, hehe. eto na...we're going out of town naman this weekend, we're going to Bohol! ssshhh! excited kami lalo kasi kaming tatlo lang ang aalis, so 1st time naming family to travel on our own...good luck sa amin ni hubby, di ba! 1st time din ni baby mag-plane at 1st time mag-swim (kasi nga di matuloy-tuloy!). so talagang ingat na ingat kami ni hubby! ang problema, nung sabado, umubo once si baby! hala, super praning ako, sabi ko nasamid lang! nung sunday, umuubo ulet, patay! although di naman madalas pero worried pa din kami. so inagapan ko, nebulize agad kami kahapon. nag-kulong pa ako sa room namin para di malaman ng parents ko, hehe. sa malamang kasi na di pasamahin si baby boy kapag inuubo eh. eh un ngang walang ubo, ayaw nang pasamahin sa bohol noh, un pa kayang may sakit. kinausap pa namin ni hubby si baby boy na huwag umubo kapag nandyan sila lolo't lola nya, haha, praning na talaga kami eh! kaya lang, kagabi, napansin na ng mama ko at tinanong na ako kung ba't inuubo na naman daw ata. hay, sabi na nga ba dapat di ko sinabi sa kanya na mag-bohol kami eh. ayan tuloy, nag-ubo na naman. kaya ngayon, secret na lang muna namin, hehe. kailangan kaming matuloy!!! waaah, ang cute pa naman nung binili kong trunks at robe ni baby boy, kumpleto na din ang wardrobe at japorms nya, sayang naman! tsaka excited na talaga kaming mag-asawa... owel, please pray for my baby na huwag tumuloy ang kanyang ubo at nawa'y kami ay matuloy! salamat po! =) |
posted by apple @ 10:30 AM |
|
|