Tuesday, November 15, 2005 |
happy monthsary! =) |
nag-celebrate kami ni hubby ng aming 17th monthsary nung saturday. =) pagkatapos ng bakuna ni baby boy ay nagpunta kami sa shang, as always! dun kasi ung studio ni baby boy eh, kaya madalas kami dun. kinuha namin ung pics nya na pang-october pa, hala, tagal pala naming di nakapag-lakwatsa! tapos, nagpa-picture ulet sya for november at dinala ko ung kisses costume nya, hehe, ang cutey ulet nya! =) anyway, i promised hubby that i'll buy him something kasi nag-bonus na ako. kaya syempre, san pa ba? kundi sa favorite store nya, sa nike!!! di pa pwedeng shoes kasi pang-pasko pa un noh. kaya hanap sya ng iba. nakakita sya ng cap na kasya kay baby boy. tamang-tama daw sa trip namin sa bohol kasi mainit, kaya need ni baby ang cap. eh nabilhan ko na po ng baby cap si baby noh, kaya pwede na un. pero syempre, di pwede un kay hubby. so kuha nya ung white cap para kay baby, kuha sya ng white cap para sa kanya, para pareho daw sila ni baby! at kawawa naman daw ako kaya kumuha na din daw ako ng sa akin! nyehehe...napabili tuloy ako ng 3 caps para sa amin! eh di parang isang sapatos na din ung binili ko, kainis!!! altough excited na akong isuot naming tatlo un, ang cute siguro naming tignan, hehe. went home after dinner na din, pero parang bitin pa din ang aming date. kaya kinabukasan, nagyaya ulet si hubby na mag-kape, continuation baga. =) so after dinner, nagpaalam kami sa mama ko at iniwan muna namin si baby boy sa kanya. 1st time naming mag-kape sa starbucks-marquinton, ang lapit lang sa amin nito pero nung linggo lang namin napuntahan. owel, it just goes to show na limited na talaga ang gimik at kopi tym pag may baby na. so we ordered the usual and just talked about our future plans together. it's so nice to have our "own" time once in a while, ung tipong walang iiyak at wala kang ibang aasikasuhin. pero of course, we missed our baby while we were having coffee, kaya uwe din kami agad. what a nice way to end our monthsary, just like the way we were celebrating before, pre-baby, hehe. para kaming mag-bf/gf ulet, aaaw, how swit! un lang, happy anniversary mahal!!! and as the cliche goes...more to come! =) |
posted by apple @ 4:00 AM |
|
|