Friday, November 11, 2005 |
happy birthday baby! |
7 months na si baby boy yesterday! hay, sadyang kay bilis talaga ng panahon!!! as usual, bumili ako ng cake, nagluto si lola ng pancit, and um-order na lang kami sa kfc. just the usual happened. kakaiba lang kasi kinabit na ni daddy ko ung mga christmas lights sa terrace namin. in time for baby's bday. kaya pagdating ko from work, nasa terrace si baby boy w/ his lola waiting for me. at enjoy na enjoy sya sa mga lights. palipat-lipat ung tingin at di alam kung san-san titingin sa sobrang dami ng ilaw, haha, kakatuwa syang tignan! can't wait to show him ung mga fireworks display comes new year. speaking of new year? hmmm, pano pala sa new year, di kaya sila mabingi sa new year? i mean, pano ko tatakpan ang ears ni baby boy sa new year? will cotton do the works? wawa naman sya kasi kung ako nga nabibingi sa sobrang lakas magpa-putok ng mga kapit-bahay namin eh, si baby ko pa kaya. and for sure di din sya makakatulog sa sobrang ingay sa place namin pag new year. hay, pano kaya? bahala na, ang importante ay masaya ang new year naming lahat dahil kasama na namin si baby boy! =) ang bilis talaga ng panahon, ayon sa aking countdown ay 45 days to go na lang before christmas. i can really feel the christmas spirit in the air. puto bungbong and bibingka on our streets, where are you? parang nalihis na naman ako...owel, 5 months to go naman before my baby boy turns little boy! =( have to enjoy each moment, before it's gone... |
posted by apple @ 4:00 AM |
|
|