Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Tuesday, November 08, 2005
ba-bye mama!
medyo sumobra yata ang bonding namin ni baby boy sa 2 long weekends na magkasama kami. paano naman, kapag karga sya ng iba tas makikita o maaalala nya ko eh bigla na lang sisigaw. as in cry na parang kinakatay! hay...and he won't stop hanggat di ko sya lalapitan. at pag lapit ko, biglang taas ng dalawang kamay sa akin at nagpapakuha. on a positive note, ang sarap ng feeling kasi love na love na ako ng baby ko. kaya lang minsan, wala na akong magawang iba kasi laging gusto sa akin. sabi ko nga sa kanya itatali ko na lang sya sa katawan ko eh, hehe.
then kanina, after 3 straight days na magkasama kami, ay kailangan na ulet naming maghiwalay dahil back to the real world na naman! when i was about to leave this morning, nasa terrace si baby boy karga ni lolo nya. so i kissed him goodbye and told him to be a good boy and i'll see him again later. ba-bye na ako, then labas na ng gate. smile-smile pa sya nung una, coz this is our usual routine naman everytime i go to the office. so wave pa sya ng hand, with lolo's help. maya-maya, biglang umiyak at nakatingin lang sa akin. hala, umalis na ako agad! nakakaawa kasi hanggang kanto, dinig ko ung cry nya, parang gusto kong bumalik sa house at kargahin na lang sya. kung pwede ko lang sana isama dito sa opisina. haaay!
paano na ngayon, at almost 7 months, marunong na syang mag-inarte at ayaw nang magpa-iwan. lagot ako, mukhang me taguan na mangyayari sa bahay namin tuwing umaga ah. it pains me more leaving him behind now! hirap na nga akong iwanan sya dati tuwing aalis ako at todo smile sya, ngayon pa kayang umiiyak naman.
owel, not much choice. still need to work! i guess we just need to do some goodbye techniques. do you moms out there know any? please help!!! thanks! =)
posted by apple @ 10:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER