Thursday, November 03, 2005 |
my baby's 1st christmas gift |
when hubby & i did our 1st christmas shopping last month, we bought one RC car as gift to *****. then we saw this BIG remote control car that we really wanted for baby boy. but that can wait, he can't control the remote yet. actually, wala pa lang kaming budget. =) when we went home, kwento ko sa baby ko. told him, "alam mo baby, may malaking car dun, ang ganda! bili kita nun pag malaki ka na!" fortunately, my mama overheard it! =) at sabi ng aking napakaganda at napakabait na ina (halata bang sipsip) ay "sige baby, bilhan kita nun, xmas gift ko syo!" hahaha, wowoweee!!! at un na nga, nag-shopping kami nung monday at binili na ni mama ang kanyang gift kay baby boy. pag uwe ng bahay, ang nakinabang ay ang mga matatanda, nyahaha! ang hirit ng aking asawa, "wow, may laruan na ako!" at ang hirit ng aking kuya, "bibili din ako nyan, tas karera tayo (to hubby)". hay naku, ang mga matatanda, bumalik sa pagkabata! malamang sa maluma na ung RC car bago pa malaro ni baby. pero naaliw kami kay baby kasi marunong na syang umilag. nakatayo kasi sya at nung malapit na ung car sa kanya ay tinataas nya ung paa nya para di sya masagasaan. o kaya ay mag-step sidewards para umiwas. haha, ang galing. and he seems to enjoy it already. this is the family's new toy, hehe.
lucky apo, spoiled sa lolo't lola. =) |
posted by apple @ 4:00 AM |
|
|