Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Tuesday, September 13, 2005
happy birthday to us!
hay, ang bilis talaga ng panahon...parang kailan ko lang na-post ung sa pbb na kwento, tas bertdey ko na agad! heniwey, dahil nga sa naipangako ng aking mother na lechon for our birthday, kami ay napilitang maghanda. at sabi nga nila, lumaki ng lumaki ang sunog, dahil ang supposedly “family affair” ay biglang naging “family reunion”. =)
since walang gustong magluto ay pina-deliver na lang namin lahat ng food. ang lechon, pancit, cake at iba pang pagkain ay tinawag ko lang sa telepono habang nagpapa-check up si baby boy.
medyo busy ang araw namin...well-baby check-up din kasi nya nung morning. pagkatapos ay nag-lunch kami sa mama rossa sa timog, habang hinihintay ang 4pm. pagdating ng 4pm ay nagpunta na kami sa kiddie bday party ng anak ng friend ko sa magnolia house. sayang nga lang coz’ we were in a hurry, di na namin naabutan ang bubble show. me isa pang kiddie party sa n@wie friend ko na di na namin napuntahan dahil kapos na sa oras. umulan pa ng malakas kaya traffic na naman, haaay!
anyway, nakarating kami sa house namin ng 630pm. lahat ng pagkain ay na-deliver na at nagdatingan na ang mga bisita. halos di pinansin ang ibang nakahapag sa lamesa, at ang lechon, in a span of 5 minutes eh kalansay na lang, haha. naaalala ko pa ang lutong ng balat at linamnam ng laman!!! whew, pero kinalimutan ko na kung ilan na naman ang nadagdag sa aking timbang! =)
syempre pa, dahil family reunion eh kagulo at kasaya! sinabayan pa ng eviction night sa pbb, kaya exciting talaga! at take note, bumoto pa ang mga relatives ko kay franzen, nakakaawa daw kasi. kaya pala naka-79% sya eh, dameng naawa. owell, hiritan ka ba naman ng “kahit pang-gatas na lang ng anak ko”, di ka ba maaawa?
anyway, back to the party. it was a memorable one kasi i celebrated it with my baby eh, nagsabay pa kami kasi 5th month bertdey din nya un. ung cake nga eh “5” ang candle noh at sya po ay naka-bagong damit while ako ay luma lamang. feeling ko nga di ako ang may birthday eh. pero ganun talaga, kapag tumatanda ka na eh parang di mo na feel ang kaarawan mo. gaya din nung ibang cousins ko na naki-bday din nung saturday. sunod-sunod kasi kaming magpipinsan eh, may 7, 10 at dalawa kaming 11. dami talagang may kaarawan pag setyembre. ginawa kasi kaming lahat nung disyembre, malamig ang panahon, masarap...matulog! teehee! =)
eto ang aming picture
Happy Birthday to all September celebrants! =)
posted by apple @ 3:00 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER