Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Thursday, November 24, 2005
ensaymada ispesyal!
kanina ay bumaba ako ng opisina para magbayad ng mga kautangan sa credit card.
as usual, makikita sa ayala ang sandamakmak na vendors, dvd-dvd, mais, mangga, fishballs at kwek-kwek, biscuits, at ang medyo pormal na mamang nagbebenta ng ensaymada.
madalas kong nakikita tong mamang ito, pero di ako bumubili. feeling ko kasi di masarap. ewan ko ba kanina at parang ako'y natakam at nainggit dun sa aleng bumibili. kaya nagtanong ako, P65.00 daw para sa anim na katamtamang laking ensaymada, not bad! at sigurado daw masarap kasi pareho daw pinagkukunan nila at nung dinedeliver sa rustans bakeshop. ows, talaga lang ha?!
pero ngayong natikman ko, aba! aba! aba! ang sarap nga! sobrang dami ng cheese at ang lambot ng bread. oooh, so creamy and so cheesy! muntik ko na ngang maubos ung anim eh, hehe. kaya lang tirhan ko daw ang asawa ko at gusto din nyang matikman, kaya nagtira ako ng isa, hehe. joke lang, me apat pa naman dito. kay hubby, kay didi, kay mama at syempre, sa akin ulet!
feeling ko ma-adik ako dito sa sobrang sarap! patay na naman ang diet! wish ko!!!
posted by apple @ 10:31 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER