Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Tuesday, December 13, 2005
(wo)man in uniform
ako po ay naka-uniporme ngayon, woohoo! di ko nga lang alam kung tama ba sa araw na ito ang suot kong uniform, hehe. wala na kasi akong maisuot eh, di pa na-plantsa ang ibang mga damit ko. at di din naman ganon kadami ang nasusuot kong damit para sa post-preggy size kong ito dahil ayoko ding mamili. dahil hanggang ngayon ay umaasa pa din akong papayat ako, hehe. it's all in the mind, ika nga! =)
sa ilang taon ko na dito sa kumpanya ko ay ngayon lang ako nagsuot ng uniform. dahil ako ay pinagpalang mabilang sa isa sa mga pasaway na departamentong hindi nag-u-uniform. every year ay may bago kaming set of uniforms kaya every year din ay dumadami ang nakatambak sa closet ko. i-UK-UK ko na lang kaya, haha, sino naman kaya ang bibili ng corporate attires. hay, sana kasi i-cash na lang ung budget sa uniforms, kami na lang ang bibili sa Landmark at SM! =)
anyway, dahil nga sa kakulitan ng nanay ko at nasasayang lang daw ang uniforms ko ay sinuot ko na din sa wakas. last week nung 1st time kong sinuot (2nd time pa lang today! =), ito ang kwento. pag uwe ko ng bahay at nakita ako ng magaling kong asawa, hiniritan ba naman ako ng "miss, meron ba kayong size 10?" nyahaha, kainis!!!
mamaya kaya pag uwe ko, baka hingan naman ako ng water at bill! hehe.
in fairness, ok naman ung suot ko ah! =)
posted by apple @ 11:48 AM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER