Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Wednesday, November 30, 2005
all i want for christmas is my two front teeth!
eto yata ang kanta ni baby boy ngayon eh. =)
ugali na ni baby boy na kagatin ang aking nipple at gawing tootsie roll kung minsan, ung tipong hihilain at pang-gigilan! aaaw!!! at tuwing papagalitan ko sya, bibigyan lang nya ako ng isang pilyong ngiti! aba, baby pa lang, marunong na!
sabi nga ng tatay nya sa kanya, "anak, hindi ganyan, dapat gentle lang", nyehehe, parang iba na un ah! =)
anyway, lately eh napapadalas ang away naming mag-ina. paano naman, nawiwili sa pagkagat. at medyo masakit na talaga ngayon, tipong napapasigaw ako sa sakit at nagugulat sya kaya nabibitiw sya sa kagat, hehe.
last night while i was brushing his teeth, este gums pala, eh parang me nakapa akong rough sa lower gums nya. when i checked, 2 little teeth are bursting already! yehey!!! syempre, pinakita ko kay hubby at sa parents ko. aliw talaga kasi ang cute. tsaka aliw si baby boy kasi he didn't show any signs, walang lagnat, hindi cranky at iyakin. un nga lang, masakit na mangagat talaga. tipong ginagawang teether ung nipple ko.
nung nag-subside na ang aming excitement, niyakap ko si baby boy...na-realize ko na ang bilis talaga ng panahon! soon, di na talaga sya baby, lil boy na sya. kakalungkot at kakamiss! =(
well, atleast now, di na sya bungal, hehe!
posted by apple @ 12:22 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER