Saturday, March 10, 2007 |
divi trip |
last wednesday, 03/07, pag-uwi ko ng house, may sinat daw si lil' boy. he started feeling hot around 7pm na. so again, i assume na may pilay na naman. kasi naman, wala naman syang sakit talaga, wala ding may sakit sa amin at matindi ang kalikutan kaya di imposibleng mapilayan. so i gave him Calpol and restless din sya sa pagtulog nung gabi. pagdating ng morning, mainit pa din. so sabi ko kay hubby, dalhin na sa hilot kasi i needed to go to the office. ang kaso, restless nga sya at ayaw sumama sa iba, gusto nya sa akin lang. kaya had no choice but sumama kay mang hilot. so around 9am, we went to Parang na para magpahilot. and indeed, me pilay nga, sa may chest area daw. baka daw nahahatak sa pagbuhat. after that, ate brunch sa Jollibee, as requested by lil' boy. natutuwa na sana ako kasi ang dami nyang kinakain, tuloy-tuloy ang subo ng spag and garlic rice. ang kaso, he suddenly threw up everything he ate, as in! so nakakahiya man sa crew eh wala kaming magawa. one more thing, we didn't bring extra clothes for him, kasi nga malapit lang naman, and feeling ko eh sandali lang kami. kaya ayun, napauwi tuloy kami na nakabalot lang ng hooded blanket (i use to cover while breastfeeding) si lil' boy. haha, mukhang baby sya ulit. i was supposed to go to work that afternoon, pero naglalambing pa din si lil' boy at ayaw humiwalay. nakatulog lang yata nung nawala na ang fever, but that was early afternoon already, hindi na din ako aabot sa office. so since naka-leave na ako at ayokong masayang ang hapon, i decided to go to divisoria na. i've been planning that divi trip na kasi before pa. pero laging full ang weekends namin. and these coming weekends are full also, kaya really have no time anymore. so sinama ko ang helper namin and off we went to divi. as always, enjoy na enjoy ako dun, sooo cheap! i was able to buy a LOT of prizes and give-aways for lil' boy's party. kaso lang, there's really not much Barney items around, kaya puro generic lang nabili ko. and as expected, i went over the budget. over to the point na nagamit ko pa yung perang binigay ng brother ko, kasi may pinapabili sya. eh since wala yung pinapahanap nya, hiniram ko na lang. haha. sinundo kami ni hubby sa may LRT-Santolan station around 630pm. pag uwe ko sa house, nag-kwenta pa ako at nag-ayos. simula na naman ng mga tambak sa room namin, hehe. atleast now, more than a month lang. not like last year, nagsimula ang tambak sa kwarto namin around 8months before, hehe. it was tiring, but definitely worth it. it's 1 item off my bday to-do list. and atleast now, i can start buying Barney items sa malls, before kasi i was controlling myself, hoping na may ganun sa Divi. but since wala, go-go-go na ako! =) sana lang hindi mabasa ni hubby to, hehe, kasi over-budget na daw kami eh. =) |
posted by apple @ 3:43 PM |
|
|