Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Thursday, July 20, 2006
Happy 12th Anniversary Uneven 7!
today, July 20, is our actual anniversary day.
and as what i've blogged here, we celebrated it a lil earlier, last July 09, 2006.

unfortunately, ann wasn’t able to come because her grandmother died last friday, 7/7.
anyway, rain or shine, we pushed through because there’s no more available date if ever we postponed it.
me, hubby, che, willy, pinky, karen & bernard met at McDo at around 7am. ate breakfast, then off we went to SM Dasma to fetch denny & herbs at around 830am.


by 930am, we were already at Residence Inn para bisitahin ang aming mga kamag-anak. atleast, dumami na iyong mga animals dun, may mga snakes na at iba pa. ang kawawa naming mga asawa, naging mga photographers na lang, hehe. walang ginawa yung apat kundi kunan kami ng pictures.




around 1030am, we headed to RSM already, kasi tomguts na kami. buti na lang pala nauna kami dun, at kami pa lang ang tao. we got the best kubo in RSM, yung pinaka-dulo at pinaka-mahangin. pero syempre, picture-picture muna kami dun.


it was a nice place to relax and unwind. nakisama din ang panahon sa amin, walang ulan, super ginaw lang. it was also the time na nakapag-usap ang aming mga asawa para sa kanilang mga words for Pinoy Henyo. please take note that we told them to prepare “tangible” words about school (college).


so after eating Bulalo, Sisig and Inihaw na Baboy, it was time for dessert. pero over-budget na daw, kaya sabi namin, itaktak na lang ang utak ng bulalo, humingi ng libreng gatas at yelo, instant "utak con yelo" na, hahaha.

after sumakit ang batok ni bernardo dahil sa mga kinain namin, hahaha, ay tumuloy na kami sa Picnic Grove at 1pm.
so the game started…
1st game was Charade, anything about Miriam College.
Team A: me, denny, pinky, bernard & willy
Team B: karen, che, herbert & hubby
our words:
1. Relatibo – our law prof (nahulaan nila ito!)
2. Scanties – the brand name of our panty liner project (nahulaan din nila)
3. MAE – Miriam Adult Education (nahulan din nila, sounds like… =)
4. Wiley – Accounting book author (nahulaan din nila)
5. Caritas – part of our school (we got them here! =)
their words:
1. Padis – Antipolo, tambayan nung college (they got us here, 1st & last time! =)
2. Anaque – Accounting prof
3. Xerox – gawain naming magpa-xerox ng notes, tamad kasi kami magsulat eh, hehe
4. anniversary – hay, kadali!
5. uneven – wala na bang hihirap pa?
so ang score: 4-ALL

tie breaker na lang, so namili sa aming tatlo, kasi nga 5 kami sa group eh. so ang napili ay si denny.
eto na si denny, isip sya ng word nya. sabay senyas na 2 words. 1st word, 2 syllables. 2nd word, 2 syllables din!
sabay action na kumakain ng ice cream.
so sigaw ako! ICE CREAM!
senyas ulit sya ng “iba pa”
so sigaw ulit ako: DOUBLE DUTCH!
tumpak, favorite flavor ng barkda iyon eh. at ang galing mo denny, 2 syllables nga ang 2nd word. hahaha.
so in short, we won, as expected! ganda ng prize namin, Bench towels.

2nd game: Pinoy Henyo
girls vs boys
our words: fountain, bookmark, annual, whiteboard, mouse, switch
their words:
1. neckerchief (college nga eh!)
2. t-square (we got this!)
3. cheerleader (i got the “leader")
4. prelims (tangible di ba?)
5. fraternity (sobrang tangible talaga, kainis!)
6. HEKASI (ito ang panalo sa pagka-tangible at pang-college talaga! bigay pa to ng magaling kong asawa, hehe)

side kwento: 2 nights before this event, i explained to hubby how Pinoy Henyo is played, hindi kasi sya nakakapanuod nito sa Eat Bulaga eh. anyway, so naglaro kami, pero wala nang paper, sa isip lang namin yung word namin. sabi ko anything na makikita dito sa loob ng bedroom namin.
so nauna sya. tanong ako:
me: english?; hubby: hindi
m: gamit?; h: aaah, hindi
m: hinde, eh puro gamit lang naman dito ah. pang-baby?; h: hindi
m: pang-matanda?; h: hindi
m: gumagalaw?; h: hindi
m: alikabok?!; h: OO
hahaha, ang henyo ko! at akalain mong maisip pa nya talaga yung alikabok noh, kainis. kaya ayun, level nga sa binigay nyang word na “Hekasi”! hahaha.

so ang score: 1.5 – 0! opkors, kami ang nanalo, mas henyo kami eh. actually, kahit na manalo sila eh pang-girl din ang prizes na binili ko, kaya sa amin din mapupunta, haha. na-anticipate ko lang talaga na mas henyo kami kaya kami ang sure winner. at hirit ng mga aswa namin, "syempre, pinagbigyan namin kayo, eh anibersaryo nyo eh!". haller, eh halos dumugo na mga ilong nyo sa kakaisip noh. hahaha.

our 3rd game was PINS. pagalingan sa pagkapa. may 5 pins ang aming mga asawa sa katawan nila. kami naman ay naka-blindfold at kakapain at kakalasin ang 5 pins.

syempre pa, ako ang champion sa kapaan, kaya i won again!

our 4th game was supposed to be “Longest Line”, kaya lang hindi nabigay ni ann yung mga prizes na nasa kanya eh, kaya wala na kaming pang-prize. sayang, kasi suot pa naman namin ang mga kahahabang belt at mga bagong garter ng underwear, hehe.

next was our Awards Night, or Awards Day, hehe.
we prepared an award for everybody and it was presented by our husbands. may kasama ding token na Hair Doctor & mirror, na sabi ng asawa ko ay courtesy of Hortaleza, haha.


it was one of the best anniversary celebrations we had! super enjoy kasi 1st time naming gumimik ng ganun kalayo na kaming barkada lang. and 1st time din na kasama naming nag-celebrate ang aming mga asawa. sobrang gulo, sobrang saya at sobrang sarap! =)


we finished before 4pm and reached home at 5pm. maaga kasi hinihintay na kami ng mga chikitings namin.

next gimik, buong pamilya na para mas masaya! kelan kaya ito? sa 24th anniversary na siguro, kung buo pa rin kami. hahaha!

anyway, for more pics, please click this.

thanks guys, we really had FUN. and thanks for the gifts. =)
posted by apple @ 5:18 PM  
2 Comments:
  • At 11:33 AM, Blogger Cynch said…

    wow! ang saya naman ng anniv celeb ng barkada mo! hehehe! shempre naka-relate naman ako sa MAE! favorite ko dun kumain sa hapon! lalo na't dun sa floor na yun ang french class ko. oohh those were the days! hihihi! dapat pinahulaan nyo rin ang "LANAI" - tambayan ng mahilig mang-okray! hehehe!

    uy na-miss ko tuloy ang RSM. ang ganda ganda jan sa place na yan. at ang sarap ng food, lalo na bulalo. nagutom tuloy ako. maulan pa naman, sarap ng bulalo! :p

     
  • At 1:07 PM, Blogger apple said…

    cynch,

    onga noh, ang ating lanai. ang "viewing room" ng mga ateneans. hahaha.
    kaka-miss ang college days noh. =)
    sarap ngayong maulan...matulog!

     
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER