Wednesday, June 07, 2006 |
We'll miss you Lola Sen... |
now i know kung bakit sa dinami-daming resorts ang tinatawagan ko for the past week ay di ako makapag-book. almost all nice Batangas (and nearby) beach resorts are fully booked for the long weekend, our anniversary weekend! sobrang frustrated na ako kasi until now, wala pa rin kaming concrete plans for our actual anniv day. our trip to davao next week kasi talaga ang aming anniversary celebration, kaya lang, madyo nakakahinayang at nakakalungkot ang long weekend kung sa bahay lang namin i-spend ang actual day. kaya last minute ay nag-plano ko, planong walang nangyari kasi nga too late na yata. too late? or talagang destined na maging ganun. kasi, hindi kami talaga dapat tumuloy!...
monday night when we were about to go home, my dad texted me na dumaan daw muna ako kila Lola at bisitahin ko kasi parang di na maganda ang lagay nya. my lola (w/ youghest daughter, Tita Pinky) just lives a house away from us. pero nung dumaan kami ni hubby, lola was sleeping, so di ko na ginising. pansin ko lang na medyo hirap na nga sya huminga. pag-uwe namin at 8pm, mama said na ayaw naman daw magpadala sa hospital kanina. at kinwento pa na napanaginipan daw nya si lolo na sinusundo na sya. =( around 10pm, tita called us and may lumabas daw na blood from her nose. pagdating namin sa house nila, di na namin sya inabutan. she slept to eternity. =( atleast di na sya nahirapan. and buti na lang, nakausap na nila mama at nabisita ko pa, before she finally rested.
tuesday morning, start na ng lamay. di kami lahat pumasok sa office kasi ang dami pang kailangang asikasuhin. not to mention si lil' boy dahil super busy ang lola nya eh (my mom's the eldest kasi). so sa chapel kami nag-stay the whole day. ginawan ko na nga sya ng playpen dun eh. pinagharap ko iyong dalawang upuan ng chapel, hehe. pagdating ng 12mn, we had to call it a night kasi nagwawala na si lil' boy at papasok kami sa work ng wednesday. around 1am, my tita texted me na di na nya daw kaya ang sakit ng tyan nya at pagsusuka kaya tinawagan ko daddy ko na naglalamay para dalhin si tita sa hospital. good thing na malapit lang kami sa chapel kaya madaling lumakad pauwe. she was confined and given dextrose for 5 hours, dehydrated na kasi sya. pagod at stress din kaya nagkasakit sya. hay! =( anyway, she's ok now at nakauwe na, thank God!
wednesday & thrusday, i'm here in the office dahil madami din akong kailangang tapusin. =( and i had to email the pictures to my tita 'ganda' and uncle na nasa US na din. sobrang painful nga para kay tita kasi halos kakaalis lang nila a month ago, hindi pa nila naabutan dito. di na din in-advised ni mama ko na bumalik pa sila dito kasi sayang naman dahil kakaalis nga lang nila. eto pa, sabi daw ni lola sa mama ko nung monday "bakit di na ako dinadalhan ng ice cream ni May?". minsan kasi, nalilimutan nyang nasa states na iyong anak nya eh. kaya ang sakit-sakit para sa tita ko. =(
friday morning ang libing.
after 86 years here on earth, Lola Sen has finally met our creator and his husband, Lolo Ramon, in heaven. i know they are both happy now together again, and we are happy for them. but we'll definitely miss you, Lola Sen!...
|
posted by apple @ 12:28 PM |
|
2 Comments: |
-
Condolence apple! ((Cyber hugs to you!))
-
|
|
<< Home |
|
|
|
Condolence apple! ((Cyber hugs to you!))