Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Thursday, February 09, 2006
mrt booboo =)
yesterday, i had another 'productive' lunch-out. i went to shang to get the studio pics of baby boy from pictures & profiles. ok lang naman kasi mall to mall naman ang mrt stations kaya mabilis lang at convenient pa.
pero eto ang kwento...
nung pabalik na ako, syempre nasa shaw (shang) station ako. baba ako ng escalator ng mrt going south. pagbaba ko, konti pa lang ung naghihintay, kasi kakaalis lang yata nung train. so pumwesto ako dun sa me tapat mismo ng escalator. although feeling ko eh sa gitnang train ako mapupunta kasi mahaba pa ung space sa likuran ko eh. pero mas mahaba ung space nung sa harapan ko, and almost all people are going that side. so mag-isa pa din ako at last na din ako sa linya ng mga tao. maya-maya ay dumami na ang mga tao at may sumama na sa pwesto ko, yehey! pero ok lang sana kung mag-isa ako para wala akong kasiksikan, hehe.
so eto na, papadating na ang train. at bumulusok ang rumaragasang train sa harapan ko, kasi nga nasa harap na harap ako ng pila eh. nyahaha, nilagpasan kami ng train! hahaha, di na pala abot ung train dun, kaya naman pala wala nang pumwepwesto dun, nyehehe. so malamang yung mga sumunod sa akin ay mga mrt dummies din na tulad ko. kaya ayun, humabol na lang kami at nakisiksik sa last door ng train. altough di naman malayo talaga, kakatawa lang kasi pag-stop ng train eh wala kaming maaninag na train sa harapan namin, hehe.
mali naman kasi sila eh! hehe, isisi ba talaga sa mrt! pero sana kasi meron silang marking sa floor man lang ng entrace/exit. bakit ung mga mrt sa US at HK, me ganun. kaya pati mga tao dun, nasa ayos at nakapila, first come, first served basis pa. di katulad dito, hala, nakakalat lahat ng tao sa harapan. isang hilera sila lahat. pagdating ng train, magsisiksikan lahat sa pinto. kaya ayun, first singit, first served! hay, pilipino talaga, wala sa ayos minsan. bakit nga kaya ganun noh. kapag naman nasa ibang bansa ang mga pinoy, sumusunod naman sila. pero kung kailan nandito sila sa bansa nila, tsaka nawawala sa ayos minsan. owel, we are all to blame! =(
humaba na kwento ko, at nalihis na yata. gusto ko lang pagtakpan yung katangahan ko, hehe. malay ko ba, eh minsan lang kasi ako mag-mrt eh. sa susunod, di na ako magmamagaling. pipila na lang ako sa likod ng nakapila. sana lang ung pilahan ko ay di rin nagmamagaling na tulad ko, nyahaha! =)
posted by apple @ 2:45 PM  
0 Comments:
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER