Yan-Ple
 
YAN-PLE's Party Shop
Tuesday, August 29, 2006
double blag-gag!
accidents do happen talaga!
last saturday night, pag-uwe namin galing party, naglalaro kami ni lil' boy sa bed habang kausap namin si hubby na nagbibihis. he was standing at tinatanggal nya ang pants nya. ang kaso, nabitin yata sya sa pagtanggal ng pants kaya sumabit yung laylayan ng maong sa paa nya. na-outbalanced sya at lumagapak sa sahig, habang kami ni lil' boy ay nakatingin sa kanya. sobrang kinabahan ako kasi nakita ko yung pagbagsak nya, kaya worry ko ay baka napilayan sya. after a moment of silence, biglang tumawa ng malakas si lil' boy, nyahaha! akala siguro nya eh nagpapatawa ang tatay nya, hehe. kaya ayun, natawa na din kami ni hubby, kahit namimilipit sya sa sakit. thank god, wala masyadong nangyari sa kanya, medyo naipit lang ang toes nya kaya hirap maglakad (at mag-drive!).
after that, we slept early. actually, si lil' boy lang pinapatulog ko while brestfeeding. ang kaso, nauna pang nakatulog ang tatay nya sa kanya. kaya kahit di pa ako inaantok ay natulog na din ako at 9pm kasi wala na akong makausap eh, pareho nang knock-out ang mga boys ko.
around 12mn, nilipat ko si lil' boy sa side (so i was in the middle) para sa kabilang breast ko naman sya mag-feed. i put the big pillow sa side nya para pang-harang. kaya lang, ang likot matulog, ikot ng ikot. so after he brestfed from me, biglang ikot sya sa kabilang side nya (pillow side). ayun, nakarma yata dahil pinagtawanan nya ang ama nya, nyehehe. biglang nalaglag sa bed! sus, nagising tlaga ako sa gulat! pati yata kaluluwa ko at mga lamang-loob eh nagising lahat noh! pati si hubby, biglang nagising at napamura! buti na lang, dun sya sa malaking pillow nalaglag at hindi diretso sa floor. so isang iyak lang sya, then pagkuha ko sa kanya ay pina-bf ko ulit. ayun, tulog pa din, di man lang nagising. buti na lang talaga, sobrang pasasalamat ko sa Diyos, hay! eto ang isa sa mga kinakatakutan ko eh, ang malaglag sya sa kama, ayun, nangyari na nga. at sana di na muling mangyari pa. di ko kasi nalagay yung chair sa side ng bed eh, as extra support para di malaglag ang pillow. buti na lang may guardian angels si lil' boy. kaya ayun, from that time eh di na ako ulit nakatulog! binantayan ko na lang si lil' boy kung ok ba sya, hanggang sa antukin na lang ako around 3am na yata.
hay, the continuing saga of being a MOM talaga! =)
posted by apple @ 3:31 AM  
2 Comments:
  • At 3:35 PM, Blogger jane said…

    hi apple!

    super likot din matulog ni sophia so we sleep on the floor symepre with a matress. kaya walang silbi ang bed namin hehe

    good thing at okay naman si austin :)

    jane

     
  • At 3:52 PM, Blogger apple said…

    hi jane,
    yup, thank god they're both ok. =)
    i'm actually thinking of that already, maybe soon, ganyan na din kami, hehe. ang lalaki kasi namin kaya di na kami kasya sa bed. =)

     
Post a Comment
<< Home
 
...we personalize your parties...

Lilypie 3rd Birthday Ticker ...LIFE, WIFE & BABY WIPES...

Name: apple
Home: Marikina City, Philippines
About Me:
See my complete profile
YesterDaysss...
YesterMonthsss...
Links
  • kasal
  • before & after
  • baby boy 1
  • baby boy 2
  • baby's photoshoot
  • baby's 1st birthday
  • baby @ 1
  • baby's 2nd birthday
  • yan-ple's party shop
  • yan-ple's sample photos (per venue)
  • yan-ple's sample photos (per category)
  • our website

  • Powered by Blogger

    Disclosure Policy:
  • My Disclosure Policy
  • Powered by

    Free Blogger Templates

    BLOGGER